PH patuloy na tinutugunan ang mga ‘ilegal’ na aktibidad sa WPS

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ayon sa top security adviser ng bansa, ginagawa ng Pilipinas ang lahat ng pagsisikap sa pagsasagawa ng mga diplomatikong aksyon laban sa mga labag sa batas na aktibidad at iba pang anyo ng pagsalakay sa West Philippine Sea (WPS).

Nakatutok din ang gobyerno sa mga kaganapan sa West Philippine Sea. Sa nakaraang limang taon, ang NTF (National Task Force)-WPS ay nagpupulong linggu-linggo upang patuloy ang pagmamatyag at pagtuunan ang mga usaping kaugnay sa West Philippine Sea,” ani National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na chairperson din ng NTF-WPS sa kanyang pagbisita sa Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) Mimaropa sa Puerto Princesa, Palawan noong Nobyembre 4.

Sinabi niya na bahagi ito ng national approach ng gobyerno sa isyu.

We have a harmonized, coordinated, and joint deployment of maritime assets from the AFP (Armed Forces of the Philippines), Philippine Coast Guard, PNP (Philippine National Police) Maritime Group, BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) aimed at sustaining our presence,” wika ni Esperon.

Ayon kay Esperon, na sumipi kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) noong 2019, “ang ating pambansang karangalan at territorial integrity ay dapat na mauna sa ating isipan. Atin ang West Philippine Sea. Atin ito.”

Sinabi rin ni Duterte sa 75th Session ng United Nations General Assembly noong Setyembre 22 na “pinaninindigan ng Pilipinas ang pangakong iyon sa South China Sea alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.”

That award is now part of International Law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish, or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” dagdag ng Pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING