
MANILA – Sa kabuuan, 203,357 mga bata na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang nabakunahan laban sa coronavirus sa ngayon mula nang magsimula ang pagbabakuna sa bata halos isang buwan na ang nakalipas, sinabi ng isang opisyal ng kalusugan noong Lunes.
Ipinahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pinakahuling datos mula sa National Vaccination Operations Center ay nagpakita na humigit-kumulang 0.10 porsiyento ng mga nabakunahang menor de edad ang nakaranas ng adverse effects.
Ang nangungunang tatlong pinaka-madalas na naiulat na adverse events following immunization (AEFIs) ay inaasahang pansamantalang mga reaksyon tulad ng vaccination site pain, pananakit ng ulo, at pagkahilo. Ang iba pang mga AEFI na iniulat ay mga kaso na may kaugnayan sa pagkabalisa, isinaad ni Vergeire.
“Lahat po ng ating kaso ng adverse events were all managed. They were all addressed and lahat po ng mga kabataan na nagkaroon ng ganitong reaksiyon ay nakauwi din naman po after proper management,” wika ni Vergeire sa isang media briefing.
Ang pilot rollout ng pediatric vaccination ay nagsimula noong Oktubre 15 sa walong kalahok na ospital sa NCR para sa 12 hanggang 17 taong gulang na mga batang may komorbididad.
Ang pagbabakuna sa bata ay opisyal na inilunsad sa buong bansa noong Nobyembre 3, na may target na populasyon na 12,722,070, kung saan humigit-kumulang 1,272,207 ang may mga komorbididad.





