Duterte: Political dynasty ‘hindi masama’, patuloy na mananatili

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado na “hindi masama” ang paglaganap ng political dynasty, at idinidiin na hindi ito maiaalis hangga’t hindi naaamyendahan ang 1987 Constitution at mababago ang kultura ng Pilipinas.

Isinaad ni Duterte na ang panukala na ipagbawal ang mga political dynasties sa bansa ay hindi kailanman tatanggapin, na binanggit ang pagkakaroon ng mga pamilyang kasalukuyang humahawak ng mga elective posts.

Kanang provision sa constitution about political dynasty, dili gyud na mulusot maski’g unsaon,” sinabi ni Duterte sa inagurasyon ng mga infrastructure project sa Dapa, Siargao Island.

Tinanggihan ng 17th Congress ang panukala ng Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reforms sa 1987 Constitution na isama ang pagbabawal sa political dynasties sa mga panukalang rebisyon sa 1987 Constitution, at tinawag itong “anti-democratic”.

Mayroon ding ilang anti-political dynasty bill na inihain sa 18th Congress na nananatiling nakabinbin sa committee level.

Ang anti-dynasty proposal “hinding-hindi maipapasa,” ayon kay Duterte, na ang tatlong anak ay humahawak din ng mga posisyon sa gobyerno.

If you convert it into a constituent assembly and allow Congress to, well, initiate changes in a constitution, di gyud na mulusot not because we do not want it or we want it pero ang mga tao, from my experience, bisa’g asa ka man diri daghan kaayo,” isinaad niya.

Sinabi ni Duterte na walang kabuuang pagbabawal sa political dynasties, “maliban kung babaguhin mo ang buong larawan, maliban kung babaguhin mo ang Konstitusyon, maliban kung babaguhin mo ang kultura”.

Pero og ani lang gihapon, we will have dynasties. And dynasties are not bad,” wika niya.

Sinundan nina Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Davao City Mayor Sara Duterte, at Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte ang political footsteps ng Pangulo.

Ang problema lang sa political dynasties, ayon kay Duterte, ay may mga pamilyang sangkot sa ilegal na aktibidad, tulad ng illegal drug trade.

Ang problema sa dynasty, kaning pamilya nga mogunit og usa ka lugar unya solohon ang tanang negosyo, patyon ang kontra, unya pagkadugay, in some areas ang mga mayor na mao’y gadula sa droga. Pero ngari wala,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING