Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses itinakda sa Disyembre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan ang pag-iisyu ng driver’s license na may 10-taong validity sa buong bansa sa Disyembre ng taong ito.

By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” sinabi ni Duterte sa kanyang prerecorded Talk to the People na inihatid noong Lunes ng gabi ngunit ipinalabas noong Martes ng umaga.

Ang LTO noong Oktubre 28 ay nagsimulang ilunsad ang bagong driver’s license na may bisa na 10 taon sa mga licensing office nito sa Quezon City.

Sumunod ang mga sangay ng LTO sa Metro Manila ngayong buwan.

The rest of the offices in the NCR (National Capital Region) shall start issuance of the same in November 2021, to be followed by all other regions progressively,” wika ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na magiging hassle-free para sa mga motorista ang pagkuha ng driver’s license sa bansa.

Ang lisensiya ng ating mga [motorist] sa driving sa lahat is good for 10 years. Wala nang renewal-renewal na madalian. You have 10 years to drive. Baka hindi mo maubos ‘yang period na ‘yan sa [pagmamaneho]. Ten years is a… It’s a long haul,” aniya.

Nilagdaan ni Duterte ang Republic Act (RA) 10930 noong Agosto 2, 2017, na nag-amyenda sa Land Transportation and Traffic Code para “magtatag ng isang sistema na nagtataguyod ng kadalian ng pag-access sa mga serbisyo ng gobyerno at mahusay na regulasyon sa transportasyon na paborable sa mga tao”.

Pinapalawig ng RA 10930 ang validity period ng mga lisensya mula lima hanggang 10 taon mula sa nakaraang tatlong taon para sa mga drayber na walang paglabag.

Sa pag-renew ng driver’s license, ang mga motorista ay kinakailangang kumuha ng comprehensive driver’s education program (CDEP) exam.

Ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko ay kailangang kumuha ng karagdagang CDEP reviewer.

Ipinahayag ng LTO nitong Martes na ang CDEP exam at mga educational materials ay maaaring ma-access nang libre sa pamamagitan ng website portal ng Land Transportation Management System ng LTO (lto.gov.ph).

LATEST

LATEST

TRENDING