Booster shots guidelines, ilalabas ngayong buwan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng isang opisyal ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 nitong Martes na malapit nang maglabas ng mga alituntunin ang Department of Health (DOH) sa pamamahagi ng third dose o booster vaccines.

Sa isang panayam, sinabi ni NTF special medical adviser Dr. Ted Herbosa na ang DOH ay nangako na ilabas ang mga alituntunin bago ang Nobyembre 15, sa pag-apruba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Hopefully, magkaroon tayo ng linaw kung sino ang bibigyan ng third dose,” idinagdag niya sa pagdating ng 2.7 milyong dosis ng Russian jabs na Sputnik V sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Dati, pinahintulutan ng DOH ang pagbibigay ng booster doses sa mga fully vaccinated health care workers (A1), senior citizens (A2), at immunocompromised adults (A3).

Nauna nang sinabi ni NTF chief at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na malamang na gagamit ang gobyerno ng “homologous” vaccination scheme sa pagbibigay ng booster shots, kasunod ng rekomendasyon ng interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at All Experts Group panel.

Sa ilalim ng scheme, ang booster shot ay magiging kapareho ng tatak ng mga nakaraang dosis.

Karamihan sa mga pangunahing bakunang ibinibigay ay Sinovac at AstraZeneca.

LATEST

LATEST

TRENDING