
MANILA – Makikiisa ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagsisimula ng general inoculation para sa mga menor de edad mula 12 hanggang 17 taong gulang ngayong Miyerkules.
Ang pagbabakuna ng mga bata, kasama ang mga walang komorbididad, ay gaganapin sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, at Sta. Ana Hospital mula 7 a.m. hanggang 4 p.m.
May kabuuang 3,474 na menor de edad na may komorbididad ang nakatanggap na ng kanilang unang dosis ng mga bakuna sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) simula 6 p.m. noong Oktubre 29.
Mula Sabado hanggang Martes (Okt. 30 hanggang Nob. 2), ipinagpaliban ng pamahalaang lungsod ang mass vaccination program nito.
Lumabas sa datos ng Manila Public Information Office na noong Linggo, na ang 51,551 mula 12 hanggang 17 age group ang nakapagrehistro na para sa pagbabakuna.
Para naman sa adult population, 1,291,919 o 95.59 porsiyento ng target population ng lungsod ang fully vaccinated noong Oktubre 29.
Nakapagtala rin ang Maynila ng 42 bagong impeksyon upang tumaas sa 430 ang aktibong bilang ng mga kaso ng Covid-19 nitong Martes.





