
MANILA – Kinumpirma ni Rep. Michael Defensor (Anakalusugan) noong Linggo na ang Kongreso ay naglaan ng kabuuang PHP7.8 bilyon sa 2022 national budget para sa mga programa sa pagpapakain na inaasahang makikinabang sa mahigit 3.6 milyong undernourished na mga bata.
“We are counting on the national government’s targeted feeding programs to help improve the nutritional and overall health condition of children from poverty-stricken families who continue to suffer from hunger,” ani Defensor, House committee on welfare of children vice chairperson.
Ayon sa poll na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Hunyo, tinatayang 3.4 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng di-sinasadyang pagkagutom — gutom na dulot ng kakulangan sa pagkain – kahit isang beses sa nakaraang tatlong buwan.
Ipinahayag ni Defensor na ang Supplemental Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay tatanggap ng PHP4.2 bilyon para magbigay ng pagkain at gatas sa 1.9 milyong bata na may edad dalawa hanggang limang taong gulang sa loob ng 120 araw.
“The program targets underfed children who are not formally enrolled in kindergarten,” giit ni Defensor.
Samantala, ang School-Based Feeding Program (SBFP) ng Department of Education (DepEd) ay tatanggap ng PHP3.3 bilyon para magbigay ng nutritious food products (NFPs) at sariwang gatas sa 1.7 milyong mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6, sa loob din ng 120 araw, sinabi ni Defensor.
“The SBFP targets wasted and severely wasted learners, or those deemed too skinny for their age,” wika ni Defensor.
Mula nang lumipat sa blended distance learning, pinalitan ng DepEd ang mainit na pagkain ng SBFP ng NFPs at sariwang gatas.
Ang mga supply ay pini-pick up na rin ngayon ng mga magulang isang beses o dalawang beses sa isang linggo mula sa mga itinalagang collection point o inihahatid sa mga tahanan ng mga bata.
Ayon kay Defensor, ang Complementary Feeding Program ng Department of Health (DOH) ay mayroon ding PHP250 milyon para sa therapeutic milk at protine-enriched na mga pagkain na naglalayong pagyamanin ang diyeta at dagdagan ang nutrisyon ng mga sanggol na may edad na anim hanggang 23 buwan gayundin ang mga nagpapasusong ina.
Isinaad din ni Defensor na ang National Nutrition Council ng DOH ay mayroon ding PHP139 milyon para sa Early Childhood Care and Development nito sa First 1,000 Days Program.
Ang programa ay tumutulong sa mga local government units sa pagbibigay ng tulong sa pagkain sa nutritionally at-risk na mga buntis na kababaihan.
Idinagdag ni Speaker Lord Allan Velasco nitong Miyerkules na ipinasa ng Kamara sa Senado ang inaprubahan nitong General Appropriations Bill (GAB), o ang panukalang PHP5.024-trillion national budget para sa 2022.





