DENR hinigpitan ang crowd control sa dolomite beach ng Manila Bay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinatupad ang karagdagang crowd control measures para sa dolomite beach ng Manila Bay upang mas maiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) habang pinagpatuloy ang pagsasagawa ng maintenance at iba pang mga trabaho.

Ang beach ay nakakaakit ng maraming tao mula noong muling buksan ito ngayong buwan, na nagpapataas ng pag-aalala sa mga tao na maaaring mapadali ang pagkalat ng Covid-19 dahil sa kakulangan ng physical distancing na kabilang sa mga minimum health standards na ipinatupad ng gobyerno, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones.

We are aware that if this situation continues and the minimum health standards are ignored, this may bring us to a scenario of a possible super spreader event,” sinabi ni Jonas noong Martes sa isang virtual press conference habang binabasa ang pinakabagong pahayag ng DENR tungkol sa usapin.

Upang matugunan ang sitwasyon, sinabi niya na mayroong “temporary ban sa mga menor de edad na pumasok sa dolomite beach” dahil ang paghihigpit na ito ay naaayon sa mga Covid-19 protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Idinagdag niya na ang mga miyembro ng DENR-led Manila Bay Task Force (MBTF) ay sumang-ayon na isara ang beach tuwing Biyernes para sa maintenance work at bilang pagsunod sa IATF standards, mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

The minimum health protocols will be strictly observed by implementing measures to meet capacity of the area to avoid over-crowding and give way to some repairs in some parts of the beach,” ipinagpatuloy niya.

Magkakaroon ng oras na ilalaan para sa pananatili ng mga bisita sa dalampasigan upang ang nakabinbing rehabilitasyon sa lugar — partikular na ang mga gawaing may kinalaman sa kalidad ng tubig — ay maaaring magpatuloy, aniya.

In accordance with existing laws, persons with disabilities, senior citizens and even pregnant women are to be accorded with special lanes inside the dolomite beach,” idinagdag niya.

Umaasa ang DENR na mababawasan ang bilang ng mga taong pupunta sa lugar sa mga ganitong hakbang.

Ang mga marshal ng DENR ay nagbabantay sa dolomite beach ng Manila Bay, ngunit ang bilang ng mga bisita ay lumampas sa inaasahan, na nangangailangan ng karagdagang crowd control measures.

We respectfully request your understanding,” hinimok ng DENR ang publiko habang tinitiyak na magpapatuloy ang koordinasyon sa pagitan ng mga miyembrong ahensya ng MBTF upang higit na maibalik ang Manila Bay.

Ang phase 1 ng beach nourishment project ng DENR bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Manila Bay ay kinabibilangan ng dolomite beach.

Ang rehabilitasyon, na pinangunahan ng DENR, ay naglalayon na gawing angkop muli ang tubig ng Manila Bay para sa mga contact recreational activities.

Nauna nang binuksan ng gobyerno ang dolomite beach sa publiko sa maikling panahon, na nagpapahintulot sa mga bisita na makita ang lugar habang sumusunod sa minimum Covid-19 health protocols.

Kasama sa mga protocol ang pagsusuot ng face mask at madalas na paghuhugas ng kamay, bilang karagdagan sa pagsunod sa isang metrong distansya mula sa mga tao.

LATEST

LATEST

TRENDING