Palasyo: Duterte dadalo sa Asean summits via online

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinumpirma ng Malacañang nitong Lunes na dadalo si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa 38th at 39th Association of Southeast Asian Nations (Asean) summits at mga kaugnay na summit na nakatakda mula Oktubre 26 hanggang 28.

Sa kanyang regular na Palace press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dadalo si Duterte sa leaders’ summit sa pamamagitan ng online video conference.

“Dadalo po ang ating Presidente via Zoom or computer hook-up,” wika ni Roque. “As usual po, regular naman po itong mga Asean summit.

Ang 38th at 39th Asean Summits at Related Summits, na may temang: “We Care, We Prepare, We Prosper,” ay iho-host ng Brunei Darussalam sa pamamagitan ng virtual video conference dahil sa Covid-19 pandemic.

Sa isang pahayag na inilabas noong Oktubre 23, sinabi ng host Brunei Darussalam na kabilang sa mga paksang tatalakayin sa mga pulong ay ang pagpapalakas ng katatagan ng Asean Community tungo sa regional recovery mula sa Covid-19 pandemic; pagpapahusay sa kahandaan ng Asean sa pagtugon sa mga karaniwang hamon; pagsamsam ng mga bagong pagkakataon sa paghahangad ng ibinahaging kaunlaran; at pagpapanatili ng pagtutulungan tungo sa pagkamit ng mga pangmatagalang layunin ng rehiyon.

Nagtatag ang Brunei ng isang serye ng mga deliverable para sa Asean agenda, na nakabatay sa tatlong haligi ng Asean community building, katulad ng political-security community, economic community, at social-cultural community.

Dadalo rin sa summit ang mga Asean leaders at ang dialogue partners tulad ng China, Japan, Republic of Korea, Republic of India, United States, Australia, at Russian Federation.

Bukod sa Brunei, ang iba pang mga bansang Asean ay Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.

LATEST

LATEST

TRENDING