Nationwide rollout ng pagbabakuna sa mga bata, magsisimula sa Oktubre 29

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipapatupad ng mga local government units (LGUs) sa buong bansa ang pediatric vaccination simula sa Oktubre 29, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., ang chief implementer ng National Task Force (NTF) Against Covid-19, noong Biyernes.

Sinabi ni Galvez na isasama sa susunod na linggo ang mga probinsya, kasunod ng pilot implementation sa National Capital Region (NCR) noong Oktubre 15 at 22 para sa 12-17 age group na may comorbidities.

In the next few days, we are expecting to have an increase in our vaccination considering that we will be having a rollout of the children’s vaccination in all LGUs,” isinaad ni Galvez sa isang panayam sa pagdating ng higit sa isang milyong Pfizer doses sa Ninoy Aquino International Airport.

Bilang paghahanda para sa pagbabakuna ng mga bata, ang mga vaccination site ng LGU, kabilang ang mga ospital, ay siniyasat.

Ang ilang mga LGU ay umapela na sa halip na mga ospital, gagamitin nila ang kanilang mga kasalukuyang lugar ng pagbabakuna dahil ang kanilang mga healthcare staff ay sinanay kung paano tumugon sa mga adverse effects ng pagbabakuna.

We made some adjustments that some of these vaccination sites will be set up near hospitals,” wika ni Galvez.

Ang mga bakuna ay unang ipapamahagi sa mga LGU na nakapagpabakuna ng hindi bababa sa 50 porsyento ng kanilang target population.

Tanging ang mga bakunang Pfizer at Moderna lamang ang naaprubahan para sa pediatric inoculation.

Samantala, inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng kaukulang police units at offices na makipagtulungan sa mga LGUs para matiyak na mabakunahan ang mga menor de edad na may comorbidities.

I have tasked police chiefs and unit commanders to maintain close coordination with LGU officials so that they will know what assistance police personnel can provide. Kailangang masiguro na masusunod ang health protocols kung ito ay gagawin sa mga vaccination sites at para hindi ito maging super spreader event,” sinabi ni Eleazar sa isang pahayag noong Sabado.

Hinikayat din ni Eleazar ang mga pulis na tumulong sa pagtuturo at paghikayat sa mga magulang na mabakunahan ang kanilang mga anak sa Covid-19.

“Sa ngayon, ito ang pangunahin nating proteksyon laban sa nakamamatay na sakit bukod sa pagsunod sa mga protocols,” idinagdag niya.

Nakatanggap na ang bansa sa ngayon ng 94,678,340 na dosis ng iba’t ibang tatak ng bakuna sa Covid-19, na parehong binili at ibinigay

Sa kabuuan, 54,444,161 ang naibigay.

Nang magsimula ang pagbabakuna noong Marso 1, may kabuuang 25,101,222 fully vaccinated na mga Pilipino.

LATEST

LATEST

TRENDING