DOH: Pagpaplano, isinasagawa para sa Covid-19 booster rollout

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng isang health official nitong Lunes na hinihintay ng Department of Health ang kumpletong rekomendasyon ng isang advisory committee bago ibigay ang Covid-19 booster shots sa vulnerable group.

Sa isang online media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang departamento ay nasa mga yugto ng pagpaplano, tinatalakay ang paglulunsad ng ikatlong dosis sa isang piling grupo tulad ng mga healthcare worker, senior citizens at mga taong may comorbidities.

We’re just waiting for the complete SAGE (Strategic Advisory Group of Experts on Immunization) recommendation which will be out by November,” sinabi ni Vergeire, na tumutukoy sa principal advisory group ng World Health Organization para sa mga pagbabakuna.

Ilang ulat ang kumalat sa nakaraang linggo na nagsasabing inaprubahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang Oktubre 13 na rekomendasyon ng Health Technology Assessment Unit (HTAU) ng DOH para sa mga booster shot at karagdagang bakuna.

“Ito po ay nakuha doon sa HTAU website at pino-post naman po talaga ‘yan for transparency,” isinaad ni Vergeire. “Lahat naman ng plano ay underway na tulad naman ng sabi namin sa inyo we will have this third doses for the immunocompromised, senior citizens and our boosters for our healthcare workers.

Sa ilalim ng rekomendasyon ng HTAU, ang mga booster shots para sa mga healthcare worker at senior citizen ay ibibigay sa loob ng ikaapat na quarter ng taong ito kung sila ay nabakunahan nang hindi bababa sa anim na buwan pagkatapos ng pangunahing serye.

Isinaad din nito ang pagpapatupad ng mga booster shot sa 2022, na sinusunod ang parehong prioritization strategy sa mga eligible group ngunit kapag ang mga A1 hanggang A5 priority group ay umabot sa 50 porsyentong pagbabakuna.

“Pero kailangan po aantayin pa rin nating lahat ang emergency use authority [EUA] na manggagaling sa Food and Drug Administration. While waiting for the EUA we’re already planning and discussing how we can go about with the implementation,” wika ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING