Ika-3 dosis para sa health workers, vulnerable sector inaasahan sa Nobyembre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isinaad ni Secretary Carlito Galvez Jr., ang vaccine czar ng bansa, nitong Martes na plano ng gobyerno na simulan ang pangangasiwa ng pangatlong dosis ng bakunang Covid-19 sa mga healthcare workers at sa vulnerable sector sa Nobyembre o unang bahagi ng Disyembre.

“Ito po pineprepare na namin ni (Health Secretary Francisco) Duque, dahil nagbigay na po ng inclination ang WHO (World Health Organization), na ‘yung ating vaccination for third dosing, considering na maglalapse na po ‘yung immunity,” iniulat ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People.

Maybe we can start by November or early December,” dagdag niya.

Naghihintay ang Department of Health (DOH) ng opisyal na rekomendasyon mula sa WHO na pangasiwaan ang karagdagang dosis ng bakunang Covid-19 sa imunocompromised patients, senior citizens, at health workers.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inaasahang ilalabas ng WHO ang huling rekomendasyon nito sa Nobyembre.

Nilinaw ni Vergeire na ang mga booster shots at karagdagang dosis ay magkakaiba at hindi pa inirerekumenda ng WHO ang pangatlong dosis para sa pangkalahatang populasyon.

Ayon sa mga dalubhasa, ang booster shot ay isang karagdagang dosis matapos na mabawasan ang proteksyon ng mga orihinal dosis sa paglipas ng panahon, habang ang pangatlong dosis ay para sa mga may ilang kondisyong pangkalusugan upang matulungan silang maprotektahan mula sa malubhang kaso ng Covid-19 o pagkamatay.

Matapos ang apat na araw na pagpupulong, sinabi ng Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) on Immunization noong Oktubre 11 na ang mga may mahinang immunity ay dapat makatanggap ng karagdagang bakuna.

LATEST

LATEST

TRENDING