Japan tumatanggap na ng aplikasyon para sa 2022 Young Leaders’ Program

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inanunsyo ng Japanese Embassy sa Maynila noong Huwebes ang pagbubukas ng aplikasyon para sa 2022 Young Leaders’ Program (YLP).

Ang gobyerno ng Japan ay naglunsad ng isang taong akademikong programa upang matulungan ang mga lider ng kabataan mula sa iba’t ibang mga bansa, kasama na ang Pilipinas, sa kanilang propesyonal na paglago at pag-unlad.

The idea is for these participants to become future leaders and work together in contributing significantly to the economic, social, and political development of their home countries,” sinabi ng Embahada sa isang pahayag.

Ang mga matagumpay na aplikanteng Pilipino ay maaaring magpatala sa alinman sa mga kursong available, kabilang ang business administration, law, public administration, at local governance.

Ang mga kalahok ay makakatanggap ng master’s degree sa matagumpay na pagkumpleto ng programa, na magsisimula sa Setyembre o Oktubre 2022. Ang mode ng pagtuturo ay Ingles.

Upang maging kwalipikado para sa programa, ang mga interesadong aplikante ay kinakailangang:

· Isang Filipino citizen;
· Isang Bachelor’s degree holder na may mahusay na academic records;
· Highly proficient sa English;
· Wala pang 40 taong gulang;
· Employed nang hindi bababa sa 3-5 taong karanasan sa trabaho;

Ang lahat ng mga aplikasyon ng YLP ay dapat na ipadala sa pamamagitan ng mga inirerekomendang awtoridad na matatagpuan sa link na ito: https://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_en/00_000350.html.

Ayon sa Embahada, ang deadline ng mga pagsusumite ng aplikasyon ay nakasalalay sa bawat inirerekomendang awtoridad.

LATEST

LATEST

TRENDING