
MANILA – Inihayag ni Ambassador Huang Xilian nitong Huwebes na magbibigay ang Chinese government ng 1 milyong higit pang dosis ng bakunang Sinovac sa Pilipinas.
Ang mga bagong donasyon ay inaasahang makakarating sa Maynila sa susunod na linggo, ayon sa embahador.
“I am glad to inform that the Chinese government has decided to donate another 1 million doses of Sinovac vaccines,” aniya. “I hope that the vaccines will further facilitate the ongoing vaccination roll-out and promote early economic and social recovery in the Philippines.“
Ang mga karagdagang bakuna ay magdadala sa kabuuang bilang ng mga bakuna na naibigay ng gobyerno ng China sa 3 milyon.
Sa unang bahagi taong ito, ang China ay nagpadala ng 1 milyong dosis ng bakunang CoronaVac ng Sinovac at isa pang 1 milyong dosis ng bakunang Sinopharm noong Agosto 2021.
Inaasahan na ang pinakabagong donasyon ay makakatulong sa Pilipinas sa paglulunsad nito sa pagbabakuna, lalo na ngayong target nitong makumpleto ang pagbabakuna ng 80 hanggang 90 porsyento ng populasyon sa unang bahagi ng 2022.
Nitong Oktubre 4, nakakuha ang gobyerno ng 187.6 milyong dosis ng mga bakunang Covid-19 para sa 2021, kung saan 77.4 milyong dosis ang naihatid mula pa noong Pebrero.
Sa patuloy na paghahatid ng bakuna, nagpahayag ng pag-asa si National Task Force Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang kabuuang pagpapadala ng bakuna sa bansa ay aabot sa 100-milyong marka sa pagtatapos ng Oktubre at tataas sa 160 milyong dosis sa pagtatapos ng taon.





