
MANILA – Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 1,786 mga kaso ng muling pagkahawa mula sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sa isang panayam sa press nitong Miyerkules, sinabi ni PNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na tatlo sa mga taong ito ang mayroong malubhang sintomas ng Covid-19, at ang isa sa kanila ay namatay na.
“Total reinfections namin is 1,786 since the start of the pandemic. Konti lang ang reinfections sa reported daily cases namin at majority dito ay new cases,” sinabi ni Vera Cruz, na pinuno rin ng PNP Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF).
Idinagdag pa niya na ang mga namatay ay hindi nabakunahan, habang ang dalawa ay nakatanggap ng kanilang unang dosis.
Ayon kay Vera Cruz, 1,561 ng mga indibidwal na nahawa muli ng Covid-19 ay asymptomatic, habang ang 222 ay may banayad na sintomas.
Nitong Miyerkules, naitala ng PNP ang 40,463 na mga kaso sa Covid-19, na may 38,561 na mga gumaling, 1,783 aktibong kaso, at 119 na namatay.





