Duterte natuwa sa agarang pagtugon ng COA sa pag-audit ng PRC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isinaad ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes na nalulugod siya sa “mabilis” na tugon ni Commission on Audit (COA) chair Michael Aguinaldo hinggil sa kahilingan na suriin ang mga pananalapi ng Philippine Red Cross (PRC).

I am pleased to learn about the prompt response of COA chair Michael Aguinaldo to our call to audit the Philippine Red Cross,” sinabi niya sa isang pampublikong address.

Ito ay matapos na utusan ni Duterte si Solicitor General Jose Calida noong Setyembre 16 na magsulat ng liham kay Aguinaldo na humihiling ng pag-audit ng PRC.

Ang inatasan ko kasi dito to ask Chair Aguinaldo to conduct the audit si SolGen Calida. He wrote Aguinaldo and ang sagot naman ni Aguinaldo was a prompt one by initiating immediately an auditing program,” idinagdag niya.

Ipinaalala rin niya sa COA na kumilos sa isang abiso ng disallowance na ipinadala nito kay Gordon dahil sa sinasabing maling paggamit ng pondo habang siya ay pinuno rin ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ang tagubilin ni Duterte ay dumating habang kinukwestyon niya ang karakter ni Senador Richard “Dick” Gordon, pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee, na nagsisiyasat ng mga kakulangan sa paggamit ng pondo para sa Covid-19 pandemic.

I am not objecting to your kingdom come pero huwag yung mga taong inaasahan ko na makipaglaban sa Covid-19,” aniya.

Ayon kay Duterte, “walang respeto” si Gordon sa pag-aaksaya ng oras ng mga opisyal ng Gabinete sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila sa isang serye ng mga pagdinig.

Parang nilalaro lang ninyo kami. Nagkulang kayo ng respeto para sa executive department ng gobyerno. Pag binastos ninyo ako at ang Gabinete ko, magbabastusan tayo nito,” idinagdag niya.

Inatasan ni Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea noong nakaraang linggo upang maghanda ng isang dokumento na nag-uutos sa mga opisyal ng Gabinete na huwag pansinin ang panawagan ng panel.

Idinirekta niya sa Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag makipagtulungan sa Senado kung nagbanta itong i-hold ang mga kasapi ng Gabinete na hindi sumipot sa kanilang pagdinig.

Kung magpapatuloy si Gordon na “lampasan ang kanyang nasasakupan”, nagbabala si Duterte na maaaring magkaroon ng kriris sa konstitusyon dulot ng magkasalungat na posisyon mula sa ehekutibo at pambatasang mga sangay ng gobyerno.

LATEST

LATEST

TRENDING