
MANILA – Inihayag ng opisyal ng kalusugan nitong Lunes na nagpapakita ng mabagal na pababang bilang sa mga naiulat na mga kaso sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang National Capital Region (NCR) na mayroong 28-porsyento na pagbaba mula sa nakaraang linggo.
“In the NCR, the seven-day moving average showed a decrease as cases in the recent seven days have decreased compared to the previous seven days by 1,199,” sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online na forum.
Mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3, ang average na pang-araw-araw na naiulat na mga kaso sa NCR ay 3,121.
Dati, ang average na pang-araw-araw na iniulat na mga kaso mula Setyembre 20 hanggang 26 ay 4,320.
“Cases [nationally] saw a steep increase starting the last week of July, the latest peak was during the second week of September with daily average cases twice as much as the daily average during the peak we saw during March of this year,” wika ni Vergeire.
Mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3, ang average na pang-araw-araw na naiulat na mga kaso sa buong bansa ay 14,705 — 3,060 na kaso na mas mababa kaysa sa 17,765 na iniulat na impeksyon noong Setyembre 20 hanggang 26.
Nitong Oktubre 3, ang nangungunang limang mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga kaso ay ang NCR, Calabarzon, Cagayan Valley, Ilocos Region at Central Luzon.
Samantala, ang nangungunang limang mga lugar na may pinakamaraming kaso ay ang Quezon City, Isabela, Rizal, Cavite, at Bulacan.
Sinabi ni Vergeire na ang bansa ay nasa ilalim ng moderate risk case na pag-uuri na may 21-porsyentong growth rate sa dalawang linggo at high-risk daily attack rate ng 14.73 na mga kaso para sa bawat 100,000 na indibidwal na mas mababa kaysa sa 18.60 growth rate mula sa nakaraang dalawa hanggang tatlong linggo.
“Most regions are showing negative two-week growth rate including the NCR, Regions 4 and 3. However, the majority remain with high risk daily average attack rates, and we’re flagging CAR (Cordillera Administrative Region), Regions 2, 1, 4B, 9, and 5 with high-risk case classification, based on its positive, moderate risk two-week growth rate and high risk daily average attack rate,” aniya.
Idinagdag pa niya na ang national intensive care unit (ICU) utilization ay nasa mataas na peligro na may 73 porsyento habang anim na rehiyon ang may ICU utilization at hospital bed utilization na may mataas na peligro rin – CAR, Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula, Bicol, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.
Na-obserbahan rin ng Department of Health ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa kalagitnaan ng Agosto na may kabuuang 4,962 bilang ng namatay ang iniulat at 160 pagkamatay bawat araw sa average.
Mula Oktubre 1 hanggang 3, mayroong kabuuang 42 bilang ng pagkamatay o isang average ng 14 na pagkamatay bawat araw na iniulat.





