IATF-EID babaguhin ang alituntunin sa paggamit ng face shield

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inanunsyo ng Malacañang nitong Huwebes na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay maglalabas ng bagong alituntunin sa paggamit ng face shield.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi ng Technical Advisory Group na kinakailangan ng face shield sa mga lokasyon na may “high-risk” na aktibidad.

Tatalakayin ang mga rebisyon sa kasalukuyang patakaran sa paggamit ng face shield sa pulong ng IATF-EID ngayong Huwebes ng hapon, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Inaasahan po natin na aamyendahan ng IATF ‘yung guidelines na naapektuhan dahil nga po doon sa kautusan ng ating Presidente,” sinabi ni Roque sa isang online press conference.

Isinaad ni Duterte sa paunang naitalang Talk to the People na ang mga Pilipino ay hindi na kailangang magsuot ng mga face shield maliban kung nasa “3Cs,” o “closed at crowded” na mga lokasyon, at sa mga lugar kung saan mayroong mga aktibidad na “nagtataguyod ng close contact”.

Sinabi ni Duterte na ang kanyang bagong direktiba ay dapat na magkabisa kaagad.

Ayon kay Roque, ang mga na-update na patnubay ay maaaring may kasamang listahan ng mga “3Cs”.

Hintayin po natin ang guidelines mamaya,” aniya.

Upang labanan ang pagkalat ng Covid-19, pinagtibay ng IATF-EID ang Resolution 88 noong Disyembre 14, 2020, na hinihiling sa lahat ng mga tao na magsuot ng face shield kasama ng face mask sa lahat ng mga pampublikong lugar.

Gayunpaman, noong Hunyo ng taong ito, naglabas si Duterte ng isang patakaran upang paluwagin ang mandato ng face shield ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa paggamit nito sa mga ospital lamang.

Dahil sa pagkalat ng mas nakahahawang Delta coronavirus variant, pinili niyang manatili sa orihinal na alituntunin ng IATF-EID na hinihiling ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar.

LATEST

LATEST

TRENDING