Comelec tatanggapin plano ng mga senador na bawasan ang badyet nito sa 2022

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) noong Martes na tatanggapin nito ang anumang desisyon ng mga mambabatas hinggil sa ipinanukalang badyet ng poll body para sa susunod na taon.

Ayon sa tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez, may awtoridad ang Kongreso na bawasan, mapanatili, o itaas ang inaasahang badyet na PHP41.922 bilyon ng poll body para sa 2022.

Congress unquestionably holds the power of the purse,” itinugon ni Jimenez nang tanungin ng media hinggil sa plano ng mga senador na mag-file ng isang panukalang batas o bawasan ang badyet nito upang i-pressure ang Comelec na palawigin ang pagpaparehistro ng botante.

Sinabi niya na ipagpapatuloy ng Comelec ang tungkulin nito, na magsagawa ng halalan sa bansa.

For its part, Comelec – as the sole government entity tasked with the conduct of elections – can only do its utmost to ensure that it fulfills its mandate to hold secure, accurate, and free and fair elections,” aniya.

Inilahad ni Jimenez na nananatili ang Komisyon sa naunang desisyon na huwag palawakin ang deadline ng pagpaparehistro ng mga botante sa buong bansa sa Setyembre 30.

The Commission has, thus far, not amended its position not to extend the deadline for voter registration,” idinagdag nito.

Samantala, sinabi ni Jimenez na isinasaalang-alang nila ang pahayag ng Department of Health (DOH) na ang antigen test ay hindi inirerekomenda bilang isang pamamaraan sa pag-screen sa mga kaganapan kasama ang pag-file ng certificate of candidacy (COC) na magsisimula sa susunod na buwan.

The Comelec notes the DOH’s statement, but also notes that antigen tests are accepted by the House of Representatives as a requirement for entry into their premises,” aniya.

Ang filing ng COC ng mga may balak na lumahok sa pambansang halalan ngayong Mayo 9, 2022 ay magaganap mula Oktubre 1 hanggang 8.

LATEST

LATEST

TRENDING