Duterte inatasan ang DOH na imbestigahan ang ‘false positives’ ng PRC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) noong Lunes ng gabi na siyasatin ang naiulat na reklamo tungkol sa “false positives” na mga pagsusuri sa Covid-19 na isinagawa ng Philippine Red Cross (PRC).

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Duterte na nakatanggap siya ng mga ulat na mayroong false-positive na mga resulta sa swab testing na nai-proseso mula sa iba’t ibang mga molecular na laboratoryo ng PRC na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon.

I also would like to ask. Are your testing facilities and equipment are really as good as you say they are? Because I have heard of many false-positive cases from your laboratories. Can you enlighten the Filipino people on this?” aniya.

Ayon kay Duterte, sinabi sa kanya na ang 44 sa 49 na empleyado sa ospital na nagpositibo sa mga swab test na pinroseso ng molecular na laboratoryo ng PRC sa Subic ay naging false positive matapos ipinasuri muli sa ibang pasilidad.

Sinabi niya na 213 tauhan ng Presidential Security Group ang nagpositibo sa pagproseso ng PRC Manila, ngunit ang kanilang mga confirmatory test ay lumabas na negatibo.

Idinagdag pa niya na kahit ang mga opisyal mula sa Department of Finance ay mayroon ding katulad na karanasan sa PRC.

Because of this information then maybe the DOH must investigate this matter. You could be putting more people at risk. You could be falsely adding to the total positive cases per day of this country,” wika ni Duterte.

Nauna nang kinumpirma ni DOH Secretary Francisco Duque III na natanggap nila ang reklamo hinggil sa bagay na ito.

Ayon kay Duque, ang mga pangyayari sa PRC Subic ay iniimbestigahan ng departamento ng kalusugan at ng Research Institute for Tropical Medicine.

LATEST

LATEST

TRENDING