Ex-Senate president nais ideklara ang ICC bilang persona non grata

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng dating Pangulo ng Senado na si Juan Ponce Enrile na ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) ay hindi dapat pahintulutang pumasok sa Pilipinas upang magsagawa ng pormal na pagsisiyasat sa kampanya laban sa droga ng gobyerno.

“Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him to come in. He is a persona non grata,” sinabi ni Enrile sa panayam ng SMNI News Channel na nai-post sa YouTube noong Setyembre 18.

Hinimok din ni Enrile ang mga Pilipino na protektahan si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga kritiko at detractor na sumusuporta sa pagsisiyasat ng ICC sa kampanya sa droga ng kanyang administrasyon.

“Yung International Criminal Court na ‘yan, pinipilit nila na imbestigahin ang Presidente ng Pilipinas, they do not realize that he’s authorized by the Constitution to enforce the laws,” aniya.

Hindi kinakailangan na makialam ang ICC, ayon kay Enrile, dahil ang pinakamataas na nahalal na opisyal ng bansa ay maaaring managot sa pamamagitan ng impeachment process.

Sa halip, iminungkahi niya na magtulungan ang mga Pilipino upang mapangalagaan ang Pangulo bilang isang “simbolo ng pagiging estado”.

“Tayong mga Pilipino puwede natin patikwasin ang Presidente natin, pero pag aapihin ng taga labas, ang Presidente ng Pilipinas, simbolo ng ating estado…we must all bond together to support him and throw out any foreigner who cast any doubt on the authority and nobility on our President,” dagdag niya.

Isinaad ni Enrile na tila gumagamit ng mga kritiko at detractor ni Duterte ang ICC upang isulong ang kanilang “agenda sa politika”.

“Kung tayo’y talagang Pilipino, ipagtatanggol natin yung hinalal ng makapangyarihan na botante ng Pilipinas bilang hari natin. Huwag natin papayagan bastusin ng banyaga. A slap on our President by others, from other countries is a slap on the Filipino people,” wika niya.

Ang mga sumuporta sa pagsisiyasat sa ICC ay malamang na mga komunista, ayon kay Enrile.

“Yang mga sumusuporta diyan sa mga ‘yan mga kaliwa na lumalaban sa uri ng gobyerno natin. E ang mga followers ni Karl Marx yang mga ‘yan, ni Lenin. Kung gusto nila maging komunista, di pumunta sila sa Russia, pumunta sila sa North Korea,” aniya.

Sinabi rin niya na sa kasalukuyang sitwasyon, ang isang komunistang administrasyon ay “hindi praktikal”.

Inaprubahan ng mga hukom sa ICC noong Miyerkules ang kahilingan ni Fatou Bensouda na magsagawa ng kumpletong pagsisiyasat sa giyera sa droga ni Duterte.

Ayon sa Malacañang, hinding hindi papayagan ni Duterte ang ICC na magkaroon ng hurisdiksyon laban sa kanya sapagkat ang Pilipinas ay mayroong “working” justice system.

Paulit-ulit na sinabi ni Duterte na makikipagtulungan lamang siya sa ICC probe kung tumigil sa paggana ang mga lokal na korte.

Sa kabila ng desisyon ng Pilipinas na putulin ang ugnayan sa international court, nagpasya ang ICC na siyasatin ang giyera sa droga ni Duterte.

Noong Marso 17, 2019, pormal na nagbitiw ang Pilipinas sa ICC, isang taon matapos maalis ang Rome Statute na nagtatag ng international court.

LATEST

LATEST

TRENDING