
MANILA – Inihayag ng Malacañang noong Huwebes na hindi nababagabag si Pangulong Rodrigo Duterte sa kamakailang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na maglunsad ng pormal na pagsisiyasat sa kanyang kampanya laban sa droga.
Sa isang online news briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi makikipagtulungan si Duterte sa ICC kapag sinimulan nito ang pagsisiyasat sa hinihinalang krimen laban sa sangkatauhan na diumano’y nagawa sa kanyang walang tigil na kampanya laban sa iligal na droga.
“Wala pong reaksiyon ang Presidente dahil sa mula’t mula niyan, sinasabi niya na siya ay mamamatay muna bago siya haharap sa mga dayuhang nasa huwes,” wika ni Roque.
Inaprubahan ng kamara ang pre-trial ng ICC noong Miyerkules ang kahilingan ng dating chief prosecutor na si Fatou Bensouda, na simulan ang buong pagsisiyasat sa kampanya sa droga ni Duterte.
Ayon kay Roque, hahayaan lamang ni Duterte ang ICC na isagawa ang plano nitong siyasatin ang kanyang kampanya kontra droga.
Gayunman, sinabi ni Roque na masasayang lamang ang oras ng ICC sa pagsisiyasat sa kampanya laban sa droga ng Pilipinas.
“So, sa kanya, bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin,” aniya. “Wala namang possibility na magkakaroon ng successful prosecution dahil iyan po ay pagsayang lamang ng oras at ng resources ng ICC mismo.”
Ayon kay Roque, hindi papayag si Duterte na magkaroon ng awtoridad ang ICC sa kanya sapagkat ang Pilipinas ay mayroong “working” justice system.
Makikipagtulungan lamang si Duterte sa pagsisiyasat sa ICC, kung ang mga lokal na korte ay hindi na gumagana, dagdag ni Roque.
“Kung mayroong reklamo, dapat dito isampa sa Pilipinas, dahil ang ating mga hukuman ay gumagana. At ang korte ng ICC ay walang hurisdiksiyon, puwede lang siyang mag-akto sa mga kaso kung ang mga hukuman natin ay hindi gumagana,” giit ni Roque.
Igagalang umano ni Duterte ang sinumang maghahamon sa kanyang kampanya laban sa droga.
“Ang paninindigan ni Presidente, lahat nang gustong magreklamo, bukas po ang ating mga hukuman sa Pilipinas,” aniya.
Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ni Interior and Local Secretary Eduardo Año na handa ang Philippine National Police (PNP) para sa anumang imbestigasyon ngunit magpapasya batay sa “patnubay ng Pangulo”.
“This is a policy matter where only the President has the authority to decide whether to allow a non-local inquiry or not. Hence, we shall abide [by] the guidance of the President,” sinabi ni Año.
Sa kabila ng desisyon ng Pilipinas na putulin ang ugnayan sa international court, nagpasya ang ICC na siyasatin ang kampanya laban sa droga ni Duterte.
Noong Marso 17, 2019, pormal na humiwalay ang Pilipinas mula sa ICC, isang taon matapos maalis ang Rome Statute na nagtatag ng international court.
Noong Pebrero 2018, sinimulan ni Bensouda ang paunang pagsisiyasat sa kampanya sa droga.
Paulit-ulit na sinabi ni Duterte at iba pang mga opisyal ng Pilipinas na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa Pilipinas dahil ang Rome Statute ay hindi kailanman na-publish sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon o ang Opisyal na Gazette.