PNP nakahanda na sa pilot granular lockdowns, alert levels sa NCR

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sa direksyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), handa na ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa pilot implementation ng granular lockdown at quarantine alert level system sa National Capital Region (NCR) simula Huwebes.

Ang mga tauhan ng NCR Police Office (NCRPO) ay inatasan na maging pamilyar sa mga alituntunin ng IATF-EID at patuloy na makikipagtulungan sa mga local government unit ng Metro Manila para sa pagpapataw ng mga patakaran, at maging sa mga kinakailangang pagbabago, ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

“Handa na ang inyong PNP sa pagpapatupad ng mga bagong patakaran alinsunod sa guidelines na inilabas para sa enforcement ng granular lockdown at quarantine alert level system sa Metro Manila,” sinabi ni Eleazar sa isang video message noong Miyerkules.

Ang PNP “ay magsisiguro ng kapayapaan at kaayusan sa lahat ng oras, at magpapanatili sa mga protokol ng seguridad sa lockdown area,” batay sa mga alituntunin ng pilot test ng IATF-EID na inilabas noong Lunes.

We are continuously coordinating with the LGUs in Metro Manila for proper enforcement of these rules—from the identification of areas that would be placed under lockdown up to the distribution of assistance to the affected residents,” wika ni Eleazar.

Ang pinaikling oras ng curfew na ipapatupad sa sandaling mailipat ang NCR sa Alert Level 4 na may pagpapataw ng mga granular lockdowns ngayong Setyembre 16 ay bahagi ng pagsasaayos ng seguridad, ayon kay Eleazar.

Sinabi niya na ang mga pulis ay dapat makipagtulungan sa mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng curfew.

Hinimok din ni Eleazar ang mga mamamayan na makipagtulungan at sundin ang lahat ng mga patakaran at regulasyon na ipapataw sa ilalim ng mga sistema ng antas ng alerto at mga granular lockdown, bukod sa mga oras ng curfew.

Ipinaalala rin niya sa mga opisyal ng pulisya na obserbahan ang maximum tolerance at magpataw kung ano lamang ang nakasaad sa mga alituntunin, at ang mga lumalabag ay hindi dapat parusahan.

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown ay dapat sumunod sa mga paghihigpit sa loob ng dalawang linggo upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19, lalo na ang Delta variant.

Magagawa ito, sinabi niya, sa pamamagitan ng masinsinang pagsusuri, contract tracing, at paghihiwalay ng positibo, lalo na ang mga kaso na walang sintomas, pagkilala sa kanilang naging close contact, at paglalagay sa quarantine sa loob ng 14 na araw.

Sa mga lokasyon na nasa ilalim ng granular lockdown, ang mga healthcare workers at mga pabalik at umaalis na mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ang kikilalanin bilang Authorized Persons Outside Residence (APOR).

LATEST

LATEST

TRENDING