
MANILA – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order (EO) na ilipat ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) mula sa Department of Agriculture (DA) patungo sa Department of Finance (DOF).
Ayon sa EO 148, na nilagdaan ni Duterte noong Martes, ang PCIC ay inilipat mula sa DA patungo sa DOF para sa “patakaran at koordinasyon ng programa, at pangkalahatang pangangasiwa”.
Ang PCIC, na pinoprotektahan ang mga magsasaka mula sa pagkalugi sanhi ng natural na sakuna, mga sakit sa halaman at ng insekto, ay kasalukuyang nakakabit sa DA alinsunod sa EO 74, na inilabas noong 2002.
Ang DOF ay ahensya na namumuno sa pagtiyak sa maayos at mahusay na pamamahala ng mga mapagkukunang pampinansyal ng gobyerno, pati na rin ng mga subdibisyon, ahensya, at mga instrumento nito. Inaatasan din ito sa pagbubuo ng institusyon, pamamahala ng mga patakaran sa pananalapi at pakikipagtulungan sa iba pang mga kinauukulang subdibisyon ng gobyerno, ahensya, at mga instrumento.
“In order for the PCIC to effectively perform its mandate of providing insurance protection to farmers in the most cost-efficient manner, there is a need to align its plans and programs with national development policies and the government’s overall fiscal plan,” ayon sa EO.
Ang paglipat na ito ay inirekomenda ng DOF, DA, at ng Governance Commission for GOCCs (GCG) upang matiyak na ang pagpapatakbo ng PCIC ay makatuwiran at masusubaybaya. Isang dahilan rin ay upang ang mga assets at resources ng gobyerno ay magamit nang epektibo, at ang pagkakalantad ng gobyerno sa lahat ng uri ng pananagutan, kabilang ang mga subsidy, ay ginagarantiyahan na matamo sa pamamagitan ng mga maingat na hakbang.
“A modernized agriculture founded on social equity is one of the key components of the government’s national agenda for poverty alleviation and national development,” dagdag ng EO.
Naisaayos din ng EO 148 ang PCIC Board of Directors.
Sa ilalim ng kautusan, ang PCIC board ay pamumunuan ng Finance Secretary, habang ang Agriculture Secretary ay magsisilbing vice-chair.
Kasama sa mga miyembro ang mga pangulo ng PCIC, Land Bank of the Philippines, at ang Government Service Insurance System, pati na rin ang mga kinatawan mula sa pribadong industriya ng insurance at sektor ng magsasaka.