
MANILA – Iniugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ang paggaling ng halos 1.8 milyong mga Pilipino na nahawaan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) kay Health Secretary Francisco Duque III at mga health worker.
Habang kinilala niya na ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 ay umabot na sa higit sa 2 milyong marka, sinabi ni Duterte na ang bilang ng mga taong gumagaling mula sa coronavirus ay isang “napakahusay” na pahiwatig na pagsisikap ni Duque at ng mga health worker na labanan ang pandemya.
“Now, the Philippines has breached the 2 million mark in Covid cases,” sinabi ni Duterte sa kanyang prerecorded na Talk to the People. “However, ang konswelo natin is that 1.8 million of these have recovered. So meron na lang 200 na wala.”
Muling pinuri ni Duterte si Duque, sa kabila ng kasalukuyang pagsusubaybay sa Kalihim dahil sa di-umano’y maling pamamahala ng pondo sa pagtugon ng Covid-19 pandemya.
Sa kabila ng patuloy na panawagan para sa pagbitiw ni Duque, naniniwala si Duterte na dapat na purihin rin ang Kalihim alinsunod sa kanyang pagsisikap na labanan ang Covid-19.
“And that (number of Covid-19 recoveries) is a very good reflection of what our health people are doing. And I would like also to commend Secretary Duque for that.”
Nakapagtala ang Pilipinas ng 16,621 bagong mga impeksyon sa Covid-19 noong Huwebes, na nagdala ng kabuuang bilang sa 2,020,484.
Halos 1,840,294 katao na na-diagnose na may coronavirus ang gumaling, habang 33,680 ang namatay.
Sa bansa, mayroon pang 16,621 aktibong mga kaso sa Covid-19.
Publiko hinimok na agad magpabakuna
Sa gitna ng pagtaas ng impeksyon sa Covid-19, pinaalalahanan ni Duterte ang publiko na ang pagbabakuna ay ang pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa coronavirus.
Hinimok din niya ang mga nabakunahang Pilipino na tumanggap kaagad ng pangalawang dosis.
“Alam mo, ang (You know, the vaccination really is what we can offer you to fight Covid-19). Walang iba. There’s no other defense against the microbe,” aniya. “For those who would need the second vaccination, kindly do it also in a hurry.”
Nitong Miyerkules, isang kabuuang 34,112,320 Covid-19 na dosis ng bakuna ang naibigay sa buong bansa. Humigit-kumulang 14,109,916 katao ang ganap nang nabakunahan, habang 20,002,404 ay naghihintay pa rin para sa ikalawang dosis ng bakuna.