DOTr: Free train rides para sa mga bakunadong APORs pinalawig hanggang Sept. 7

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) noong Miyerkules na ang mga libreng pagsakay sa tren para sa mga taong nabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay magpapatuloy sa unang linggo ng Setyembre.

Sinabi ng DOTr sa isang mensahe ng Viber sa media na ang nabakunahang mga authorized persons outside of residence (APORs) ay maaaring magpatuloy sa programa ng libreng pagsakay sa tren hanggang Setyembre 7, na maaari pang palawigin na nakabatay sa muling pagsusuri.

Ang mga libreng pagsakay sa tren ay magagamit sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at mula 5 p.m. hanggang 7 p.m.; sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) mula 5 a.m. hanggang 7 a.m.; 9 a.m. hanggang 5 p.m.; at 7 p.m. hanggang 9 p.m.; at ang Philippine National Railways (PNR) mula 4 a.m. hanggang  6 a.m.; 9 a.m. hanggang 4 p.m.; at 7 p.m. onwards.

Ipinahayag ng MRT-3 sa isang post sa Facebook na magpapatuloy ang programa sa libreng pagsakay habang pinalawig ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay sa direktiba ni DOTr Secretary Arthur Tugade upang hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya,” saad ng MRT-3.

Ang mga nabakunahan na pasahero, kabilang ang mga nakakakuha ng unang dosis, ay dapat magsumite ng kanilang vaccination card sa mga security personnel kasama ang identificarion (ID) na nagpapatunay sa kanilang katayuan bilang isang APOR upang maging karapat-dapat para sa programa.

Kabilang dito ang certificate of employment, valid or government-issued ID, Professional Regulation Commission (PRC) ID, o company ID.

Tanging mga APOR lamang ang pinahihintulutang makasakay ng MRT-3 sa ilalim ng MECQ,” pahayag ng MRT-3. 

LATEST

LATEST

TRENDING