Walang nasawi, mababang rate ng impeksyon sa Covid-19 sa face-to-face classes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang rate ng impeksyon sa coronavirus 2019 (Covid-19) sa mga mag-aaral ng limitadong face-to-face classes sa buong bansa ay “napakababa” at walang naiulat na nasawi.

Sinabi ni Prospero de Vera III, tagapangulo ng Commission on Higher Education (CHED) noong Martes na ang lahat ng naapektuhan na mag-aaral ay asymptomatic at hindi nangangailangan ng pagpapa-ospital.

Mahigit sa 9,000 mga mag-aaral ang pisikal na dumadalo sa mga klase sa 118 na naaprubahang institusyong medikal at pangkalusugan.

The infection rate was very, very low. It is less than one percent. It is .03 percent of the students who got infected. All of the students gumaling na, walang namatay, so that means, our guidelines are working,” sinabi niya habang nasa televised public briefing.

Bukod sa pagsunod sa minimum public health regulations, sinabi ni de Vera na 76 porsyento ng mga mag-aaral at 95 porsyento ng mga miyembro ng faculty na pumapasok ang nabakunahan.

Wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng CHED para sa limitadong face-to-face classes sa larangan ng engineering, hospitality, at maritime.

Ayon kay De Vera, ang mga mag-aaral ay nais na bumalik sa paaralan, magtapos, kumuha ng mga pagsusulit sa paglilisensya, at sa paglaon ay makahanap ng trabaho.

Binigyang diin ni De Vera na ang kaligtasan ng mga examinees ay dapat unahin sa apelang ipagpaliban ang mga pagsusulit sa paglilisensya para sa mga kursong medikal.

LATEST

LATEST

TRENDING