Duterte isinasaalang-alang ang pagpapatupad ng ‘localized lockdowns’ sa buong bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ideya na magpataw ng “localized lockdowns” sa buong bansa sa halip na magpatupad sa buong lungsod at probinsya ng community quaratine sa pagtugon ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Ito ay matapos na ibunyag ni Duterte ang kanyang plano na unahin ang pagsisikap sa pagtugon ng Covid-19 ng kanyang administrasyon sa gitna ng paglitaw ng mga variant of concern, kasama na ang mas nakahahawang Delta variant.

Whether the rise in the number of cases is due to the Delta variant or not, we need to recalibrate our response,” sinabi ni Duterte sa kanyang prerecorded na Talk to the People na inihatid noong Lunes ng gabi ngunit ipinalabas nitong Martes ng umaga. “We are also evaluating whether granular or localized lockdown would work best in our current situation.

Inatasan din ni Duterte ang National Task Force Against Covid-19 na pag-aralan ang mga potensyal na benepisyo ng pagpapatupad ng mga ‘localized lockdown’ sa buong bansa.

Inilabas niya ang bagong kautusan habang ikinalulungkot na ang Pilipinas ay may pinakamataas na bilang ng kaso ng Covid-19 noong Lunes.

Nakapagtala ang bansa ng 22,366 bagong Covid-19 kaso noong Lunes, na nagdadala sa kabuuang bilang ng mga impeksyon sa coronavirus sa 1,976,202.

Nasa 1,794,278 na mga indibidwal ang nakarekober, habang 33,330 katao ang namatay bilang resulta ng Covid-19.

Mayroon pang 148,594 aktibong Covid-19 na mga kaso sa bansa.

Sa kabila ng pagdami ng impeksyon sa Covid-19, nagpahayag ng pasasalamat si Duterte sa mababang antas ng pagkamatay sa Covid-19 sa bansa.

There’s a rise of Covid cases all over [the world]. Hirap ang Amerika ngayon, ang Europe is suffering from a… Maraming namatay. Turkey, maraming patay. Saudi Arabia, mas maraming patay. Itong atin, hawa lang. Ang patay natin, hindi masyadong ganoon karami,” saad ni Duterte.

Sa ngayon, ang Metro Manila at iba pang mga bahagi ng bansa ay ilalagay sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 7 upang tugunan ang tumataas na bed occupancy at payagan ang mga lokal na pamahalaan na palakasin ang paglulunsad ng pagbabakuna, ayon kay Duterte.

Hinimok din ni Duterte ang mga Pilipino na magpatuloy sa pagsusuot ng mga face mask, obserbahan ang madalas na paghuhugas ng kamay, at pagsunod sa social distancing upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa Covid-19.

Let us continue to be safe from Covid and its variants by continuing to observe our minimum public health standards — mask, hugas, iwas (wear a mask, wash hands, and observe a distance). And please [get] vaccinated as soon as your turn comes and avoid being complacent about protocols,” aniya.

Pinaaalahanan din ni Duterte ang kanyang mga kapwa Pilipino na samantalahin ang pagkakataong mabakunahan laban sa Covid-19.

“Alam mo, sabi ko sa inyo, walang iba, ang panlaban natin sa Covid ay ang bakuna. Meron tayong problema ngayon, nag-mutate, may variants, nag-kaniyang sarili, nag-ibang anyo ang mga animal,” wika niya.

Batay sa isang presentasyong ginawa ng NTF Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar na si Carlito Galvez Jr., humigit-kumulang na 33,099,392 na dosis ng Covid-19 na bakuna ang naibigay na sa buong bansa noong Agosto 30.

Humigit kumulang 13,784,681 indibidwal ang ganap nang nabakunahan, habang ang ilang 19,317,711 indibidwal ay nakatanggap na ng unang dosis.

Sa Resolution 135-A na ito, na inaprubahan noong Agosto 26, hinimok ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga lokal na pamahalaan na ang mga hurisdiksyon na mayroong community transmission ng Covid-19 ay magsagawa ng ‘localized lockdown’.

Sa ilalim ng resolusyon, dapat ipatupad ng mga LGU ang ‘localized community quarantine’ at dagdagan ang pagkakaroon ng mga pasilidad sa quarantine sa mga “prayoridad” o “kritikal” na mga lugar na may community transmission.

LATEST

LATEST

TRENDING