Defense chief: Maging ‘bayani’ sa pamamagitan ng pagtulong sa gobyerno laban sa pandemya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hinimok ng Defense chief ng bansa ang mga Pilipino na maging bayani sa kanilang sariling pamamaraan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga regulasyon sa kalusugan at pagtulong sa programa ng pagbabakuna ng gobyerno sa paglaban sa pandemya.

Sa paggawa nito, pinoprotektahan ng mga Pilipino ang kanilang sarili at ang komunidad mula sa virus, at upang mapanalunan ang labanan na nangangailangan ng pakikipagtulungan, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“Sa gitna ng pagsubok na dulot ng pandemya, nawa’y maging inspirasyon natin ang mga bayani noon at ngayon upang gampanan natin ang ating tungkulin at magkaisa para sa kapakanan ng ating bayan,” aniya.

Habang ipinagdiriwang ng bansa ang National Heroes’ Day nitong Lunes, hinihimok niya ang lahat na maging inspirasyon ng katapangan at kabayanihan ang mga bayaning Pilipino.

Today, we take inspiration from their legacy and heroism as we battle a new and dangerous invader, the Covid-19 virus. The challenges we currently face call upon all of us to become heroes ourselves,” saad niya.

Sa kabila ng mga paghihirap, sinabi niya na palaging may tapang na nakipaglaban ang mga Pilipino laban sa bawat dayuhang mananakop na nagbabanta sa kalayaan ng bansa.

As the nation commemorates this year’s National Heroes Day, the DND pays tribute to the heroes of our history who offered their lives and sacrificed for our country. Despite the odds, our forebears fought side-by-side against the Spaniards, the Americans and the Japanese to defend our nation,” dagdag niya.

Binanggit ni Lorenzana ang kasalukuyang kabayanihan sa pagtatanggol sa Zamboanga City noong 2013 at Marawi City noong 2017 laban sa mga organisasyong terorista bilang halimbawa ng kahandaang magsakripisyo para sa kalayaan.

More recently, we have witnessed heroism amongst our troops in protecting Zamboanga and Marawi against those who threatened to destroy our institutions and way of life,” sabi ni Lorenzana. 

LATEST

LATEST

TRENDING