Palasyo: Duterte inutusan ang PhilHealth na bayaran ang mga hospital claim

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng Malacañang noong Huwebes na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President Dante Gierran na bayaran ang mga medical claim ng mga pribadong ospital sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naglabas ng direktiba si Duterte matapos nitong kilalanin na hindi kayang mawala ng gobyerno ang mga pribadong ospital, lalo na sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

“Inulit ni Presidente ang kautusan niya kay Atty. Gierran, bayaran niya nang bayaran dahil sa panahon ng pandemya, we cannot afford to lose the cooperation of the private hospitals,” saad ni Roque.

Kasunod sa desisyon ng PhilHealth na suspindihin ang pagbabayad ng mga medical claim sa mga insitusyong nasa ilalim ng pagsisisyasat sa pandaraya, nagbanta ang mga pangkat ng ospital na wakasan ang mga koneksyon sa insurer ng estado.

Ayon kay Roque, inatasan ni Duterte ang PhilHealth na tugunan ang isyu sa mga pribadong ospital, na may mahalagang papel sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemya dahil ang “60 porsyento hanggang 70 porsyento” ng mga serbisyong pangkalusugan ay nagmumula sa kanila.

Nag-isyu ang PhilHealth ng Circular 2021-0013, na nag-uutos sa suspensyon ng pagbabayad ng mga hospital claim sa mga institusyong nasa ilalim ng pagsisisyasat sa “pandaraya, hindi etikal na pagkilos, at/o pang-aabuso sa awtoridad”.

Inaangkin ng mga medikal na propesyonal na ang pag-issue ng PhilHealth circular ay walang batayan at nilalayon lamang na mas maantala ang pagbabayad ng mga hospital claim.

Prayoridad ang mga front-liner

Samantala, muling kinumpirma ni Roque na nananatiling unang prayoridad ni Duterte ang kapakanan ng mga medical front-liner sa gitna ng nagpapatuloy na Covid-19 outbreak.

Ipinahayag ito ni Roque matapos bigyan ng Alliance of Health Workers ang Department of Health hanggang Agosto 31 upang maibigay ang special risk allowance (SRA) at iba pang mga benepisyo ng mga health worker bago magprotesta ang mga miyembro.

“Sa mula’t mula po binibigyan ng prayoridad ng Presidente ang pagbibigay ng mga benepisyo para sa ating mga front-liners. So siya na po ang nagbigay ng taning, no ifs, no buts. The SRAs and everything else that the health workers are entitled to should be released within 10 days,” aniya.

Sinabi ng Department of Health (DOH) noong Huwebes na nai-download na ng Department of Budget and Management (DBM) sa kanilang Centers for Health Development (CHDs) ang special allotment release order para sa PHP311 milyon na Special Risk Allowance (SRA) ng mga health worker.

Aabot sa 20,208 healthcare worker ang makikinabang mula sa pondo.

Ang pondong inilipat sa CHDs ay ibibigay sa kani-kanilang mga local government unit (LGUs) at pribadong pasilidad sa kalusugan sa mga susunod na araw, ayon sa DOH.

Ang paglabas ng unang batch ng fund transfer para sa pagkakaloob ng SRA sa mga ospital at pasilidad sa kalusugan na dati nang nagsumite ng karagdagang listahan ng mga eligible medical worker.

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), ang mga medical front-liner ay may karapatang makakuha ng SRA at hazard pay, bukod sa kanilang karaniwang benepisyo sa ilalim ng mga batas.

Ipinatupad ni Duterte ang Administrative Order (AO) 42 noong Hunyo 1 ng taong ito, at ang pagkakaloob ng SRA ng hanggang PHP5,000 bawat buwan sa mga pribado at pampubliko na mga medical worker na mayroong direktang pagkakalantad sa mga pasyente ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING