
MANILA – Muling pinagtibay ng isang dalubhasa sa bakuna ang pananawagan para sa publiko na mabakunahan, na binibigyang diin na ang lahat ng mga bakuna sa Covid-19 ay talagang epektibo upang maiwasan ang malubhang sakit at kamatayan.
Hinimok ni Dr. Rontgene Solante, isang miyembro ng Vaccine Expert Panel, ang publiko na magpabakuna dahil ang impeksyon sa Covid-19 ay patuloy na tumataas, lalo na dahil sa nakahahawang Delta variant.
Ayon sa kamakailang data, 80% ng mga kaso ng Covid-19 na naka-admit sa mga ospital ay hindi bakunado.
“’Yung mga nasa ICU ngayon na severe, critical mas higher ang percentage ng walang bakuna kumpara doon sa may bakuna,” saad niya.
Sinabi ng mga dalubhasa sa kalusugan na ang mga bakuna ay hindi kalasag laban sa coronavirus at ng mga variant nito ngunit habang patuloy ang impeksyon, ang mga bakuna, anuman ang tatak, ay nananatiling epektibo sa pagbibigay ng proteksyon laban sa mga nakamamatay na impeksyon.
Ayon sa mga awtoridad sa kalusugan, ang impeksyon ay hindi dapat tignan bilang isang tanda na ang mga bakuna ay hindi epektibo. Kahit na ang mga indibidwal na nabakunahan ay maaaring mahawa sa coronavirus, na kung saan ay hindi karaniwan.
Bago magparehistro para sa inokasyon, hinimok ni Solante ang publiko na huwag pumili o maghintay para sa pagkakaroon ng kanilang ginustong tatak ng bakuna.
“Marami na tayong mga pasyente ngayon na sa kahihintay ng pinipiling bakuna, nagka-Covid, na-admit, naging severe,” aniya.
“Kunin na natin kung ano mang bakuna ang bibigay sa gobyerno, io-offer sa inyo. Magpabakuna na po tayo kasi ito po ay ligtas and you will be protected against severe infection,” dagdag niya.
Ang mga bakuna ay ligtas
Ang bakuna sa Covid-19 ay nagdudulot sa paglikha ng antibodies sa katawan, na nagbibigay proteksyon laban sa mga seryosong impeksyon, ayon kay Solante.
Gayunpaman, ang mga hindi magagandang reaksyon pagkatapos ng inokasyon ay karaniwang reaksyon ng katawan sa bakuna.
Pinabulaanan ni Solante ang social media na sinasabing ang mga bakuna sa Covid-19 ay naglalaman ng mga genetically modified na organismo at mga na-abort na celll na maaaring baguhin ang katawan ng tatanggap.
“Itong mga sinasabi nilang genetic material, wala po talagang katotohanan iyan na makaapekto sa katawan ng mga tao,” saad ni Solante.
Sinabi pa niya na ang pagtaas sa bilang ng mga tinaguriang anti-vaxxers na nagkakalat ng maling impormasyon sa online ay inaasahan, at dahil maraming mga Pilipino ang nakakakuha ng kanilang pag-shot sa Covid-19, ipinapakita nito ang mataas na antas ng kumpiyansa sa bakuna ng populasyon.





