DOLE: 4 na rehiyon makakakuha ng 400K Covid-19 vax para sa mga manggagawa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Miyerkules na inaprubahan na ng National Task Force Against Covid 19 ang kahilingan ng apat na rehiyon para sa karagdagang mga bakuna sa Covid-19 para sa kanilang mga manggagawa sa industriya ng pagmamanupaktura at konstruksyon.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na may kabuuang 452,000 dosis ng bakuna sa Covid-19 ang ilalaan para sa mga manggagawa sa pabrika ng Region 4-A (Calabarzon), 3 (Central Luzon) at 7 (Central Visayas), at mga manggagawa sa konstruksyon sa National Capital Region (NCR).

Pinuri niya ang inisyatiba, na magpapabilis sa pagbawi ng ekonomiya at magpapalakas sa proteksyon ng manggagawa sa industriya ng pagmamanupaktura at konstruksyon ng bansa.

I sincerely thank vaccine czar Secretary Carlito Galvez for his positive and immediate response to our urgent request,” saad ni Bello sa isang pahayag.

Aminado si Bello na mayroong mga isyu sa pagbibigay ng bakuna, ngunit ang ilang bahagi ng supply ay dapat na ilaan para sa mga manggagawa na aktibong nag-aambag sa ekonomiya.

We believe doing this would speed up economic recovery,” aniya.

Sinabi pa niya na ang kamakailang 11.8 porsyento na paglaki sa kabuuang gross national product ng bansa ay nagpapakita ng pangangailangan na mabakunahan ang mga aktibong miyembro ng ekonomiya.

This is particularly true to the manufacturing and construction sectors that contributed much to that growth,” wika ni Bello.

LATEST

LATEST

TRENDING