Duterte ‘di aatasang magbitiw sa tungkulin si Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes na hindi niya kailanman iuutos na bumaba sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III, sa kabila ng mga panawagan na gawin niya ito dahil sa mga kakulangan umano ng Department of Health (DOH) sa paghawak ng pondo sa pandemya.

Inako ni Duterte sa kanyang Talk to the People na wala siyang plano na pakinggan ang mga kahilingan ng publiko sa “tahasang” pagtanggal kay Duque.

“Maski kaming dalawa na lang ni Duque sa the rest of the Philippines, I will stand by him. ‘Pag masira ako, wala. But I will never abandon the person just like that,” saad ni Duterte.

Iginiit ulit ni Duterte na walang basehan para tanggalin si Duque.

“Gusto nila, si Duque, fire him, dismiss him. For what? Noon pa iyan, ilang buwan na iyan, gusto nila alisin si Duque. Sabi ko nga, wala naman akong nakita,” aniya. “You have to observe fairness. Ako, fair lang talaga ako.

Habang hindi niya sinisisi ang COA, nagpahayag ng pagkadismaya si Duterte na nasira na ng ulat sa pag-audit ang reputasyon ni Duque.

The damage has already been done. Kasi nga, paglabas ng COA report, flagged, flagged, flagged [DOH]. Ang perception talaga ng tao, the popular notion is that you are flagged because there’s corruption,” wika niya.

Inilahad ni Duterte na hindi niya alintana ang pagkakaroon ng pagpuna sa kanyang desisyon na panatilihin si Duque bilang Health Secretary.

“Kaya may nagsasabi na makakasira daw sa akin iyang si Duque. Then, so be it,” aniya. “Hindi ko kaya ‘yung kinuha ko si Duque, nilagay ko diyan tapos ngayon, ‘yung COA, iba-iba ang findings, napinturahan siya ng itim, ako ang kumuha tapos I will just fire him.

Sinabi ni Duterte na bibitawan lang niya si Duque, kung kusa ito magbibitiw sa pwesto.

“Kung si Duque will offer to resign voluntarily, tatanggapin ko. Pero kung sabihin mo ako ang magsabing sa kaniyang mag-resign ka, that will never happen,” saad niya.

Matapos ipahayag ng COA ang tungkol sa paghawak ng DOH sa PHP67.32 bilyong pondo sa pagtugon sa Covid-19, ipinagpatuloy ng mga kritiko ang kanilang panawagan para sa kanyang pagbitiw sa tungkulin.

Nilinaw ng COA na ang mga napapakitang kakulangan sa pamamahala ng pondong pandemya ay hindi katumbas sa anumang katiwalian.

Noong Agosto 19, sinabi ni Duque na pinakiusapan siya ni Duterte na manatili pagkatapos ng maraming pagtatangka na iwan ang kanyang posisyon.

LATEST

LATEST

TRENDING