DOH ipinagpaliban ang planong bumili ng 4 na high end laptop na nagkakahalaga ng 700-K

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isinaad ng isang health official noong Lunes na ang plano ng Department of Health (DOH) na bumili ng apat na high end na laptop ay ipinagpaliban.

Inihayag ni Health Undersecretary Leopoldo Vega sa isang online media forum na nais ng Department of Health na bumili ng apat na laptop na nagkakahalaga ng PHP700,000 para magamit sa pamamahala ng kaalaman at teknolohiya ng impormasyon.

However, to date, the procurement transaction was put on hold pending the result of further market study and prevailing market price for these laptops,” wika ni Vega.

Idineklara ng Central Office Bids and Awards Committee (COBAC) ng DOH noong Agosto 11 na ang pagsusumite at pagbubukas ng mga bid para sa pagkuha ng high-end na laptop ay ipagpapaliban.

Noong Agosto 4, isang dokumento ng COBAC na nagre-request ng ” best and final offer” para sa apat na laptop at ang kanilang mga accessories para sa PHP700,000 ay na-publish.

LATEST

LATEST

TRENDING