PAL kinansela mga flight sa Japan dahil sa pagsabog ng bulkan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang mga flight patungong Japan na nakatakda ngayong Lunes dahil sa ash emission na sanhi ng Fukutoku-Okanoba submarine volcanic eruption.

Sinabi ng PAL sa isang advisory na ang pagkansela ay sanhi ng paglabas ng abo mula sa bulkan ng Fukutoku-Okanoba.

Ang mga nakanselang flight ay:

PR 428 / 427 Manila – Tokyo (Narita) – Manila
PR 422 / 421 Manila-Tokyo (Haneda) – Manila
PR 412 / 411 Manila – Osaka (Kansai) – Manila
PR 438 / 437 Manila Nagoya – Manila

Ang mga apektadong pasahero ay maaaring i-rebook o i-refund ang kanilang mga tiket. Maaari din nilang mai-convert ang nagastos sa tiket sa travel voucher.

Pahayag ng Manila International Airport Authority na wala pang ibang airline na nagkansela ng mga flight sa Japan ang nasa listahan nito mula 9 a.m. ngayong Lunes.

LATEST

LATEST

TRENDING