1st Lambda variant, 182 pang kaso ng ‘Delta’ naitala ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Department of Health (DOH) noong Linggo na 182 karagdagang mga kaso ng mas nakakahawang Delta variant ng coronavirus ang natuklasan, dahilan para umakyat sa 807 kumpirmadong mga kaso.

Ayon sa DOH, ang pinakabagong ulat ng whole-genome sequencing mula sa University of the Philippines-Philippine Genome Center at University of the Philippines-National Institutes of Health ay naghayag ng unang kaso ng Lambda variant, pati na rin ang mga bagong kaso ng Alpha variant (41), Beta (66), at Theta (40).

Ang kaso ng Lambda variant ay isang 35 taong gulang na babae subalit hindi malinaw kung siya ay isang lokal o returning overseas Filipino (ROF) case.

Matapos sumailalim sa 10-day isolation period, siya ay walang sintomas at inuri bilang gumaling na.

Kasalukuyang sinubaybayan ng DOH ang mga nakasalamuha nito.

Ang Lambda variant, na unang natuklasan sa Peru noong Agosto 2020, ay inuri bilang isang Variant of Interest ng World Health Organization noong Hunyo 14, 2021.

Sa 182, 112 ang mga lokal na kaso, 36 ang ROFs, at 34 ang naghihintay ng kumpirmasyon kung ang mga ito ay lokal o ROF cases.

Ang isang kaso ay aktibo pa rin, 176 ang narekober, apat ang namatay, at isa ang iniimbestigahan.

Sa 112 mga lokal na kaso, 42 kaso ang nanggagaling sa National Capital Region, 36 na kaso ay mula sa Central Luzon, walong kaso mula sa Calabarzon, anim na kaso mula sa Mimaropa, anim na kaso mula sa Northern Mindanao, apat mula sa Central Visayas, tatlo mula sa Davao Region, tatlo sa Caraga, dalawa sa Western Visayas, at bawat kaso sa Cordillera Administrative Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang iba pang mga detalye ay pinatutunayan pa ng mga regional at local health offices.

“Upon verification, it was determined that two cases that were initially tagged as Delta cases from NCR last Aug. 4 were Beta variant cases,” ayon sa DOH.

Samantala, 38 sa bagong 41 kaso ng Alpha variant ay lokal, ang isa ay ROF, at dalawa ang vini-verify pa.

Dalawang tao ang namatay, 36 ang gumaling, at tatlo ang kinukumpirma pa.

Sa ngayon, mayroong 2,232 kaso ng Alpha variant, na unang natuklasan sa United Kingdom.

Sa 66 na bagong kaso ng Beta variant, 56 ang mga lokal na kaso at 10 kaso ang kinukumpirma pa. Dalawa ang namatay, 63 ang gumaling, at ang isa ay nasa ilalim ng pag-verify.

Iginiit muli ng DOH sa publiko na ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health protocol, pinatibay na Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate strategy, at ang pagbabakuna ay epektibo sa anumang variant of concern.

LATEST

LATEST

TRENDING