DBM Secretary nag-resign dahil sa health issues

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinumpirma ng Malacañang nitong Biyernes na si Budget Secretary Wendel Avisado ay umalis mula sa kaniyang pwesto dahil sa kanyang kasalukuyang kalagayan sa kalusugan.

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbitiw ni Avisado, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang mensahe sa mga reporter.

PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) has accepted Sec. Wendel Avisado’s resignation due to medical reasons,” saad ni Roque.

Ayon kay Roque, si Budget Undersecretary Tina Rose Marie Canda ay itinalaga bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of Budget and Management (DBM).

Nauna nang mag-file ng medical leave si Avisado matapos magkaroon ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) at magsagawa ng isang serye ng mga pagsusuri, 14 taon pagkatapos sumailalim sa operasyon sa puso.

Siya ay na-ospital sa loob ng walong araw at nag-quarantine ng higit sa isang buwan matapos mahawahan ng Covid-19. Ang petsa ng kanyang pagka-ospital ay hindi nabanggit.

Noong Agosto 2019, si Avisado na dating tagapangasiwa ng Lungsod ng Davao, ay itinalagang Kalihim ng DBM.

Humalili siya kay Benjamin Diokno, ang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, bilang pangalawang Budget Secretary ni Duterte.

Nagawang isumite ni Avisado bago ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin ang 2022 National Expenditure ng executive department, na magsasama ng pondo para sa pagtugon ng Covid-19 ng gobyerno.

LATEST

LATEST

TRENDING