
MANILA – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB), ayon sa Department of Education (DepEd).
Ang mga pampublikong guro ay makakatanggap ng PHP1,000 bawat isa gamit ang PHP910-milyong pondo.
Ayon sa isang pahayag mula sa DepEd, kinilala ng WTDIB grant sa administrasyon ni Secretary Leonor Briones ang mahalagang papel ng mga tagapagturo sa pagtugon sa mga hamon ng pandemiya, partikular sa pagtiyak ng pagpapatuloy sa pag-aaral.
“With the ongoing preparations for School Year 2021-2022, we are grateful to our 900,000-strong teachers who have displayed their unwavering passion to serve and educate the Filipino youth,” pahayag ng DepEd.
Ang nauugnay na mga alituntunin para sa pagbibigay ng insentibo ay ilalabas kaagad.
Magsisimula ang pasukan sa Setyembre 13 at magtatapos sa Hunyo 24, 2022.
Ito ay binubuo ng 209 araw ng pag-aaral, kabilang ang Sabado, at limang araw na midyear break.
Hangga’t mayroong banta ng Covid-19, ang pinaghalong pag-aaral o blended learning ay ipapatupad pa rin.