Tax relief sa mga medical oxygen manufacturer, isinasaalang-alang ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isinasaalang-alang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpupulong sa Kongreso upang talakayin ang pagbawas sa buwis para sa mga tagagawa ng medikal na antas ng oxygen.

Sa kanyang pre-recorded Talk to the People na ipinalabas noong Lunes, sinabi ni Duterte na ang bansa ay talagang nangangailangan ng maraming supply ng oxygen sa gitna ng pandemiyang Covid-19.

Pinuri din niya ang mga gumagawa ng oxygen para sa pagpapatuloy ng kanilang produksyon sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap.

We really need many supplies of oxygen. If it really goes out of control, we would need all the oxygen that they can produce for the people,” saad ni Duterte.

Binigyang diin ni Duterte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng oxygen sa bansa, lalo na ngayong tumaas ang banta ng nakamamatay na virus.

When the first wave hit us, we had shortages of oxygen. That’s why these manufacturers must be given licenses. If everything is in order, give the license right away to manufacturers,” aniya.

Bukod sa pagbibigay sa kanila ng mga lisensya, nais din si Duterte na bigyan ang mga tagagawa ng kaluwagan sa buwis o tax relief para sa kanilang paggawa ng oxygen sa antas ng medikal.

Maybe, I’ll talk to Congress to provide you a tax relief on your manufacturing, for you are producing a very vital component in the fight against the Covid-19 and the Delta variant,” wika niya.

Ayon kay Food and Drug Administration Director-General Eric Domingo, ang bansa ay mayroong 81 lisensyadong mga tagagawa ng medical-grade oxygen.

LATEST

LATEST

TRENDING