Duterte: Pandemya hadlang sa pagpapatakbo ng gobyerno

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isinaad ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na nais niyang lumabas at makilala ang mga tao, ngunit pinagbawalan siya ng kanyang doktor na gawin ito.

Ikinalungkot ni Duterte kung paano pinahinto ng Covid-19 outbreak ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ordinaryong mamamayan.

“Sabihin ko sa mga tao, sa mga mayors, gusto ko silang makilala. Gusto ko sila yakapin bilang Pilipino. Ang problema, itong Covid na ‘to. It has hampered governmental everything—operations, lahat. So hindi nga natin makaharap kasi itong mga doctor ko, ayaw ako palabasin,” wika niya.

Nabanggit ni Duterte ang posibilidad na babalewalain niya ang payo ng kanyang doktor at ipaubaya sa Diyos ang lahat.

“Gusto ko pumunta, magpa-plano ako. Nandiyan pa siguro yung doctor ko. Tawagan ko. Magplano ako, sabihin ko sa kanya, ‘huwag mo ako pilitin doc na hindi makalabas kasi ang mga tao gusto akong makita,” aniya.

Kung may mangyari man sa kanya, sinabi niya na si Bise Presidente Leni Robredo ay nandiyan na pumalit sa kanya.

“Bahala na ang Diyos sa akin kung anong mangyari. Kung dadapuan ako ng Delta, wala na. Nandiyan man si Leni Robredo. Pag ‘yan ba ang suwerte ko sa pagsisilbi ng tao, mamatay ako, e di mamatay ako. Lahat naman tayo dito may panahon sa mundo,” dagdag niya.

Samantala, tiniyak ni Duterte sa publiko ang patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa Covid-19 sa gitna ng paglitaw ng mga bagong Covid-19 variant.

“Kung may maliit na problema, we can solve it immediately. And of course, yung malalaki, kailangan malaki ang pera, we have to work with Congress,” sinabi niya.

Binanggit niya na kung wala ang Kongreso, ang tanggapan ng Pangulo ay “hindi epektibo”.

Tinanggihan din ni Duterte ang muling pagtawag sa kanya ng “Your Excellency”, dahil ito ay hindi kinakailangan upang magbigay ng mabuting serbisyo sa publiko.

We are just workers of government and we will work for the people. ‘Yan ang tandaan ninyo. Wala kaming illusions diyan sa mga Presidente, Presidente, Excellency, Excellency. Ang tingin ko sa atin, talagang trabahante ng gobyerno kaya trabaho tayo,” dagdag niya.

LATEST

LATEST

TRENDING