
MANILA – Nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Rodrigo Duterte na malalampasan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Covid-19, tulad din ng napagtagumpayan nito sa iba pang mga hamon noong nakaraan.
Isinaad ito ni Duterte habang ginugunita ng ASEAN ang ika-54 na taong ito ng pagtatatag.
“Notwithstanding the difficulties we face as the Covid-19 pandemic enters its second year, I am confident that ASEAN will prevail as it has done so many times in the past,” sinabi niya sa isang opisyal na pahayag noong Linggo ng gabi.
Ipinahayag niya ang kanyang kumpiyansa na malalampasan ng mga kasapi ng ASEAN ang mga hamon.
“ASEAN will continue to rise to present challenges and lead the region with renewed sense of purpose and an even firmer commitment to the ideals of peace, freedom, and prosperity,” dagdag niya.
Binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan upang maabot ang kanilang ibinahaging layunin.
“As we celebrate our collective achievements and reflect on how far we have come as one community, may we always remember and value how much stronger we are together than on our own,” wika niya.
Kinilala rin ni Duterte ang ASEAN bilang “pinakamataas na samahang pang-rehiyon” sa Timog Silangang Asya at “isa sa pinakamatagumpay na mga institusyon sa buong mundo”.
“The creation of ASEAN in 1967, in a period of great power rivalry and tensions, was indeed a bold, visionary step towards enduring peace and shared prosperity for the region,” saad niya.
Sinabi pa niya na malayo na ang narating ng ASEAN mula sa pundasyon nito noong 1967.
“With more than five decades of community building, ASEAN has gone from strength to strength as the friendship and cooperation among its members deepened,” wika niya.
Inilarawan niya ang ASEAN bilang isang “essential economic hub” na nag-aambag sa paglago at pag-unlad ng buong mundo.
Ang ASEAN ay itinatag noong Agosto 8, 1967 kasama ang paglagda sa Bangkok Declaration, na binubuo ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.
Ang limang mga kasapi na nagtatag – Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Pilipinas – kalaunan ay tinukoy bilang ASEAN Declaration.