
MANILA – Ang mga biktima ng karahasan sa tahanan, partikular ang mga kababaihan at bata sa panahaon ng enhanced community quarantine (ECQ), ay hinihimok na magsampa ng mga reklamo gamit ang e-Sumbong platform ng Philippine National Police (PNP).
Inatasan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang puwersa ng pulisya na tiyakin na ang mga insidente ng pang-aabuso sa bata at karahasan laban sa kababaihan na manatili sa minimum ngayong ECQ kasunod ng pagtaas ng naturang mga insidente noong nakaraang taon.
Ang pang-aabuso sa tahanan, ayon kay Eleazar, ay isang “kumplikadong” isyu sapagkat nangyayari ito sa loob ng mga bahay na ‘off-limit’ sa mga pulisya.
“Kaya gumawa tayo ng mga paraan para matugunan ito kabilang ang ating e-Sumbong kung saan mas pinadali natin ang paghingi ng tulong at pagrereklamo ng ating mga kababayan dahil mismong Facebook platform ay magagamit para sa police intervention,” sinabi ni Eleazar sa isang pahayag noong Lunes.
Hinimok niya ang mga tao na iulat sa pulisya ang mga pangyayaring karahasan sa tahanan gamit ang mga social media account ng PNP.
“Kaya hinihikayat natin ang ating mga kababayan na pagkatiwalaan ang inyong PNP sa isyung ito. Alalahanin natin na walang mang-aabuso kung walang magpapa-abuso,” saad niya.
Sa pagpapatupad ng ECQ noong nakaraang taon, napansin ng pulisya ang pagtaas ng insidente ng karahasan laban sa mga kababaihan at bata, kung saan naitala ng PNP ang kabuuang 4,260 kaso ng pang-aabuso.