
MANILA – Ipinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Miyerkules na ang mga authorized persons outside of residence (APORs) lamang ang pinapayagang sumakay sa pampublikong transportasyon sa ilalim ng enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ng LTFRB sa isang Facebook post na ang mga APOR ay kailangang magpakita ng valid (ID) upang kumpirmahin ang kanilang eligibility na bumiyahe mula Agosto 6 hanggang 20.
“Alinsunod ito sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution No. 130-A Series of 2021 na naglalayong mapigilan ang pagkalat ng Covid-19,” saad ng LTFRB.
Sinabi nito na ang mga APOR ay nasa health at emergency front line services at uniformed personnel; mga opisyal ng gobyerno at empleyado na nasa official travel; authorized relief at humanitarian personnel; ang mga nagnanais na maglakbay para sa medikal o makataong mga kadahilanan; ang mga patungo sa paliparan; mga indibidwal na tumatawid sa mga ECQ zones upang magtrabaho sa mga pinahihintulutang industriya; mga operator ng pampublikong sasakyan o PUV, mga driver, kundoktor, at iba pang mahahalagang tauhan; mga indibidwal na naka-iskedyul para sa bakuna sa Covid-19; mga construction worker na kinikilala ng Department of Transportation upang magtrabaho sa mga proyekto na may kaugnayan sa quarantine o mga proyekto sa imprastraktura ng gobyerno; at iba pang mga indibidwal na pinapayagan ng IATF-EID.
Ayon sa LTFRB, ang maximum na pinapahintulutang kapasidad ay 50 porsyento o one seat apart sa mga bus at jeep; dalawang pasahero bawat hilera at isang pasahero sa hilera ng drayber para sa mga utility vehicle (UV) express, taxi, at transport network vehicle services (TNVS) -na karagdagang mga paghihigpit na ipatutupad.
“Bukod diyan ay istriktong oobserbahan ang pagsunod sa sanitary measures sa loob ng mga pampublikong sasakyan para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19,” sinabi ng LTFRB.
Nakasaad na ang LTFRB, ang Land Transportation Office (LTO), ang Philippine National Police (PNP), ang Armed Forces of the Philippines (AFP), ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), at iba pang mga awtorisadong tauhan ng IATF-EID ay magsasagawa ng “daily random inspection” sa mga PUV operation, tanggapan, at terminal upang matiyak ang pagsunod sa mga regulasyong ito.
“Ang sinumang drayber o operator na mahuli na lalabag sa mga alituntunin ng LTFRB ay papatawan ng kaukulang parusa, katulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng certificated of public compliance (CPC) o provisional authority (PA),” ayon sa LTFRB.