Galvez: ECQ kinakailangan upang pagkalat ng Covid tulad sa India maiwasan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer and vaccine czar, Secretary Carlito Galvez Jr. noong Miyerkules na ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) simula Biyernes ay mahalaga upang matiyak na hindi mapagdaanan ng bansa ang naranasan ng India at Indonesia, na kung saan ay nagkaroon ng matinding pag-akyat sa kaso ng Covid-19 Delta variant.

If we will not declare ECQ sa (in) NCR, we will be the next India or Indonesia,” sinabi ni Galvez sa isang pagdinig sa Committee on Health sa House of Representatives noong Miyerkules.

Let’s not wait for our healthcare workers to be overwhelmed and later surrender. We have to protect them. Preventing them to be overwhelmed is our primary duty,” aniya, na ang ECQ ay kinakailangan upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa bansa.

Sinabi ni Galvez na ang business industry ay kinunsulta bago pa ipinapataw ang ECQ.

We also consulted the business sector prior to recommending the ECQ status, ang sabi nga nila, if we will not do something drastic to stop the transmission, we might not recover in the fourth quarter,” saad ni Galvez.

Nagbabala si Dr. Edsel Salvana, isang dalubhasa sa mga nakakahawang sakit, na ang Delta variant ay 60 porsyento na higit na nakahahawa kaysa sa UK variant (Alpha) at tatlong beses na mas nakahahawa kaysa sa orihinal na virus ng SARS-COV-2.

Sinabi niya na ang pagsunod sa minimum public health standards, tulad ng pagsusuot ng mga face mask at face shield, at pagbabakuna, ay kabilang sa pinakamabisang paraan upang labanan ang Delta variant.

Ayon kay Galvez, palalakasin pa ng gobyerno ang pagbabakuna kahit na sa pagpapataw ng ECQ sa NCR at ilang bahagi ng bansa.

Natugunan na ng gobyerno ang layunin nitong maipamahagi ang higit sa 700,000 na dosis bawat araw, mula Agosto 3.

Habang ang mga supply ng bakuna mula sa iba’t ibang mga tagagawa at mapagkukunan ay patuloy na dumarating nang maramihan, ang imbentaryo ng bakuna sa bansa ay hindi pa rin sapat upang mabakunahan ang target na populasyon na 70.8 milyong mga Pilipino, aniya.

In order to meet the monthly demand and increase the capacities of all regions, provinces, and districts, the Philippines needs at least 25 million doses monthly,” saad ni Galvez.

Ang bansa ay nakakuha ng 16.4 milyong dosis ng mga bakunang Covid-19 noong Hulyo, ang pinakamalaking supply na natanggap sa isang buwan mula nang magsimula ang pamamahagi ng bakuna noong Marso 7.

Ayon kay Galvez, inuuna ang mga lugar, pati na rin ang pagpapatupad ng phased vaccination campaign, upang matiyak ang agarang proteksyon sa mga mahihinang sektor ng bansa, partikular ang A1 (healthcare worker), A2 (mga senior citizen), at A3 (mga taong may comorbidities).

We conducted a risk assessment for our vaccine allocation. Our focus on deployment are areas in the NCR+10 and those with confirmed cases of the Delta variant,” sabi niya.

Inamin ni Galvez na kinakaharap ng gobyerno ang mga hamon sa pagbabakuna ng A2 group, partikular ang mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).

This is the reason why we allocated the one-shot Johnson & Johnson vaccines to these areas to increase the vaccination output and thankfully we are seeing progress,” wika niya.

Sinabi ni Galvez na ang NTF at ang NVOC ay magbibigay sa mga lalawigan ng kakayahang umangkop upang matukoy ang paglalaanan para sa kani-kanilang mga lungsod at munisipalidad sa pamamagitan ng kanilang Regional Vaccination Operations Center.

The allocation lists are being deliberated by NVOC and these are submitted to me and Secretary Vince [Dizon] for evaluation to ensure that the distribution will be based on the masterlist of priority sectors A1 to A3 since kulang na kulang pa ang supply,” saad niya.

LATEST

LATEST

TRENDING