DOH: 47 kaso ng Delta variant sa 9 siyudad ng NCR

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakapagtala ng 47 kaso ng Delta variant sa siyam na mga lungsod ng National Capital Region (NCR), kinumpirma ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules.

Binanggit din ng DOH na ang Caloocan ay mayroong apat na kaso ng Delta variant; Las Piñas, 14; Makati, tatlo; Malabon, apat; Mandaluyong, dalawa; Pasig, anim; San Juan, dalawa; Valenzuela, isa; at Maynila, 11.

This data is vetted by our Epidemiology Bureau,” saad ng DOH.

Noong Agosto 1, siyam sa 17 mga lokal na pamahalaan sa NCR ay mayroong isang pasyente na nahawahan ng Delta variant ng coronavirus, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Batay sa moderate two-week growth rate nito at high-risk average daily attack rate, ikinategorya ng DOH ang NCR, Central Visayas, Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Northern Mindanao bilang mga high-risk area.

Sa ngayon, ang bansa ay mayroong 216 na mga kaso ng Delta – 165 na rito ay mga lokal na kaso, 48 dito ay mga returning overseas Filipinos (ROFs), at tatlo sa mga ito ay vini-verify pa upang malaman kung sila ay mga lokal na kaso o ROFs.

LATEST

LATEST

TRENDING