
MANILA – Kinakailangan ng mas maraming bakuna at pakikilahok sa programa ng pagbabakuna upang labanan ang sakit na coronavirus 2019 (Covid-19) pandemya.
Nagpahayag ng pag-asa si National Task Force (NTF) Against Covid-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. na malalagpasan ng Pilipinas ang mga balakid na idinulot ng mas nakahahawang Delta variant hangga’t patuloy na darating ang mga bakuna.
“Kinaka-usap na po natin ang ating mga kababayan na we need to act together and we can beat the Delta variant when we act together,” sinabi ni Galvez sa isang pagpupulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagbigay na ng 20,863,544 na dosis sa buong bansa.
“I am very proud to present that we were able to breach 20 million doses administered. With the help of our DOH and LGU, nakita po natin na-break natin ‘yung record natin at saka objective natin,” saad niya.
Sinabi ni Galvez na ang daily vaccination rate ay tumaas hanggang 523,081 dosis at isang kabuuang 3,661,123 jabs na ginamit sa huling pitong araw.
Ayon sa datos, nagpapatuloy ang pag-aalangan sa pagpabakuna ang mga senior citizen at taong may co-morbidities, ngunit sinabi ni Galvez na nagsisikap ang gobyerno na tugunan ang isyu sa pamamagitan ng information campaign.
Sa ngayon, nakatanggap ang Pilipinas ng 34,275,740 na dosis ng mga bakunang Covid-19 mula sa Sinovac, Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Gamaleya Research Institute, Johnson & Johnson, at Moderna, na parehong ibinigay at binili ng gobyerno at pribadong sektor.
Mahigit 22.7 milyong dosis ang inaasahan sa Agosto.
“It would be a huge step to meet the growing demand for vaccines within the regions and provinces nationwide,” dagdag ni Galvez.