DSWD: ‘Ayuda’ maaaring ipamahagi nang face-to-face

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga local government unit ay maaaring manu-manong mamahagi ng ayuda (tulong) sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa limitadong oras.

Tulad ng inirekomenda ng Metro Manila Development Authority, ang tulong pinansyal sa National Capital Region na ibabalik sa ECQ ngayong Agosto 6 hanggang 20 ay maaaring maipamahagi nang personal, habang ang digital na transaksyon ay kinokonsidera rin.

We respect the recommendation to adopt manual or face-to-face distribution of aid due to the limited time that we have to distribute the needed assistance and the peculiarities on the ground. We have seen that this mechanism worked during the distribution of ECQ ayuda in the NCR Plus several months ago,” sinabi ng tagapagsalita ng DSWD na si Irene Dumlao sa mga reporter noong Martes.

Ayon kay Dumlao, ang digital na sistema ng pagbabayad ay mangangailangan ng impormasyon mula sa mga tatanggap, ngunit ang ilan ay walang mga smartphone.

Humingi din ng tulong ang DSWD sa mga financial service provider para sa mga contactless operation.

Ayon kay Dumlao, 92 porsyento ng mga respondente ang nag-ulat ng mataas o napakataas na antas ng kasiyahan sa paggamit ng digital disbursement para sa Social Amelioration Program, na binabanggit ang Monitoring Digital Financial Payments ng Cash Transfer in the Philippines na pag-aaral na isinagawa ng Innovations for Poverty Action na nakikipagtulungan sa World Bank at DSWD.

LATEST

LATEST

TRENDING