
MANILA – Halos 400,000 na manggagawa mula sa iba’t ibang mga rehiyon, kasama na ang National Capital Region (NCR), na maaapektuhan ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) ang makikinabang mula sa PHP2 bilyong supplemental budget na hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang hiniling na halaga ay gagamitin sa ilalim ng Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng departamento para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.
“A safety net program aims to provide one-time financial support to affected workers in the formal sector regardless of status, in private establishments or those who are employed by any person acting directly or indirectly in the interest of an employer in relation to an employee,” saad ni Bello.
Makakatanggap ang mga beneficiaries ng PHP5,000 tulong pinansyal bilang bahagi ng programa.
Kabilang sa CAMP ang probationary, project, seasonal, contractual, at casual na empleyado sa mga pribadong institusyong pangkalusugan, kultura at sining, creative industry, kasama rin ngunit hindi limitado sa mga manggagawa sa pelikula at audiovisual broadcast, konstruksyon, pampublikong transportasyon, komersyo at industriya, kooperatiba, at iba pang mga sektor ng ekonomiya na kinikilala ng DOLE.
“With the extension of the enhanced community quarantine (ECQ) in Metro Manila, the country’s main economic hub, the Department would need emergency funds to be able to serve a significant number of workers from small and medium enterprises who will be affected by the ECQ considering that DOLE will be receiving applications for those who want to avail said one-time cash assistance program,” dagdag niya.
Ang halaga ng mga pondong inilaan at ang bilang ng mga benepisyaryo bawat rehiyon ay ang mga sumusunod:
— NCR (PHP776.1 milyon, 155,520 manggagawa)
— Central Luzon (PHP298.5 milyon, 59,700 manggagawa)
— Calabarzon (PHP179.1 milyon, 35,820 manggagawa)
— Western Visayas (PHP159.2 milyon, 31,840 manggagawa)
— Northern Mindanao (PHP39.8 milyon, 7,960 manggagawa)
Ang natitirang PHP537.3 milyon ay mapupunta sa 107,460 na manggagawa sa buong bansa.
Sinabi ni Bello na ang PHP2 bilyon na augmentation fund para sa CAMP ay sumasaklaw din sa mga administrative/transaction fees para sa paglipat ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng mga remittance partner o mga digital payment service provider.