
MANILA – Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit na ipatupad ang curfew ng Metro Manila mula 8 p.m. hanggang 4 a.m. kapag magkabisa ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) ngayong Agosto 6.
“The strict border control and the longer curfew hours are but some of the necessary interventions to prevent the spread of the Delta variant of Covid-19,” sinabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa isang pahayag nitong Martes.
Ayon kay Eleazar, ang pagpapataw ng mas mahahabang oras ng curfew ay makakatulong upang maiwasan ang mga pagtitipon sa mga komunidad.
Inatasan din niya ang mga opisyal ng pulisya na makipagtulungan sa mga opisyal ng barangay upang ipatupad ang curfew.
Sinabi niya na tutulong ang mga opisyal ng pulisya sa pagpapatupad ng pagbabawal ng alak, na isasabatas ng ilang mga LGU sa Metro Manila.
Upang maiwasan ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant, hinimok ni Eleazar ang publiko na sumunod sa minimum public health safety standard at mga quarantine protocol.
Habang nauunawaan ang “quarantine burnout” na nararanasan ng publiko, idinagdag niya na ang ECQ ay inirekomenda ng mga dalubhasa at sa ngayon ay napatunayan na epektibo sa pagpigil ng pagkalat ng virus.
“Nakita natin mismo ang epekto ng Delta variant sa India at nababalitaan kung gaano katindi ang virus na ito sa iba pang bansang tinamaan nito kaya nararapat lamang ang agarang aksyon ng ating pamahalaan bago pa ito mauwi sa sisihan,” saad ni Eleazar.
Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na walang quarantine control point (QCPs) na mai-install sa loob ng “NCR Plus” na binubuo ng Metro Manila kasama ang Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite hanggang Agosto 6.
“At the moment, the QCPs are at the borders of Bulacan, Rizal, Laguna, and Cavite with adjoining provinces but once we move to ECQ starting Aug. 6, checkpoints will now be located inside Metro Manila,” wika ni Año.
Ayon sa kanya, ang mga QCP ay matatagpuan sa mga hangganan ng Bulacan kasama ang Pampanga at Nueva Ecija, Rizal kasama ang Quezon, Laguna kasama ang Batangas at Quezon, at ang Cavite kasama ang Batangas.
Gayunpaman, sinabi ni Año na ang PNP ay maaari pa ring maglagay ng regular na mga checkpoint sa loob ng “NCR Plus” upang ipatupad ang mga oras ng curfew at pangunahing pamantayan sa kalusugan.