Palasyo pinahahalagahan mga pagsisikap ni Robredo laban sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagpahayag ang Malacañang ng pagpapahalaga sa pagsisikap ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo na tulungan ang gobyerno sa pagsugpo ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ito ay matapos na purihin ni Robredo ang kanyang tanggapan sa kanyang talumpating “Ulat sa Bayan” tungkol sa mga aktibidad na kontra-Covid-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi binalalewala ng Palasyo ang pagsisikap ni Robredo na magbigay ng tulong sa sambayanang Pilipino sa gitna ng Covid-19 pandemya.

We welcome the initiatives of the Vice President in the fight against Covid-19, which she enumerated in her Ulat sa Bayan and we are in no way diminishing her efforts in this trying time,” saad ni Roque.

Sa kabila ng limitadong badyet, binati ni Robredo sa kanyang Ulat sa Bayan noong Martes ang mga nagawa ng kanyang tanggapan sa pagtulong sa mga front-line na manggagawa at sambayanang Pilipino sa panahon ng pandemiya.

Ang mga frontliners ay nakatanggap ng mga libreng shuttle service at pansamantalang kanlungan, pati na rin mga kagamitan sa pangangalaga sa katawan, mga supply ng medikal, at pagkain mula sa kanyang tanggapan, ayon kay Robredo.

Ipinakita din niya ang kanyang mga programa sa Covid-19 kagaya ng vaccination drive-through testing, mobile antigen testing, at mga telemedicine consultation.

Sinabi ni Robredo na ang pagtulong sa mga Pilipino sa mahirap na panahon ng Covid-19 ay makakapagpagaan ng kanilang pagdurusa.

Upang labanan ang coronavirus, sinabi ni Roque na tinatanggap ng Palasyo ang anumang kontribusyon, pati na rin ang mga ideya sa patakaran, mula sa lahat, kasama na si Robredo at ang kanyang mga kaalyado sa oposisyon.

Any contribution, including policy recommendations from the political opposition, to ensure the successful fight against the pandemic, is much appreciated,” aniya.

Sumang-ayon din si Roque kay Robredo na oras na upang tulungan ang mga Pilipinong apektado ng virus.

In fact, in his last State of the Nation Address, President Rodrigo Roa Duterte personally paid tribute to Filipinos who have provided essential health services, have made our food chain supply running, have boosted economic activity, and have ensured peace and order in our communities during this pandemic,” saad niya.

Habang nagkakaisa ang mga Pilipino upang matigil ang pagkalat ng Covid-19, ipinahayag ni Roque ang pag-asa para sa isang “masayang” Pasko at isang “mas magandang” hinaharap para sa buong bansa.

We reiterate: Now is the time to focus on Covid-19 and help the national government in achieving population protection; so together, we will recover and have a happy Christmas and a better future for all Filipinos,” wika niya.

Noong Martes, nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 7,186 Covid-19 na kaso, na nagdulot sa kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa sa 1,562,420.

LATEST

LATEST

TRENDING